Mga Tinig ng mga Kabataan
Hindi sa Kamatayan Nagwawakas ang Lahat
Larawang-guhit ni Katelyn Budge
Naospital ang nanay ko dahil sa stroke. Nagulat kami, at nagtataka ako kung bakit hinayaan ng Diyos na mangyari ito.
Sa kabila ng aming mga pag-aalala, hindi kami nawalan ng pananampalataya. Alam namin na makakarekober siya. Okay naman siya hanggang sa makalipas ang ilang buwan nang muli siyang ma-stroke. Hindi siya makalakad o makapagsalita at nahihirapan siyang kumain. Patuloy kaming nagdasal para humingi ng tulong mula sa Diyos.
Nilabanan ng nanay ko ang kondisyong ito hanggang sa pumanaw siya. Alam ko na kaya siyang pagalingin ng Diyos, pero kalooban Niya na bumalik na siya sa Kanya. Alam ko na kung mamumuhay ako ayon sa mga utos ng Panginoon, muli ko siyang makakasama at ang aking pamilya. Alam ko na dahil sa Pagbabayad-sala ng ating Tagapagligtas, mabubuhay tayong muli. Hindi sa kamatayan nagwawakas ang lahat.
Anicet P., edad 17, Kinshasha, Democratic Republic of the Congo
Natutuwa sa pakikinig ng musika, paggugol ng oras kasama ang pamilya, at pagbabasa ng mga banal na kasulatan at magagandang aklat.