Digital Lamang: Kumonekta
Annabelle Y.
16. Kuala Lumpur, Malaysia
Larawang kuha ni Clayton Chan
Mahirap maghanap ng oras para "isipin ang selestiyal," dahil abala ako. Marami akong dapat pagtuunan ng pansin, at kung minsan ay mahirap palakasin ang relasyon ko sa Diyos. Talagang mahirap itong balansehin.
Bagama’t mahirap ito, sa palagay ko ay maghahanda ng paraan ang Ama sa Langit. Iniutos Niya sa ating lumapit sa Kanya at tumulong sa iba habang marami ring natututuhan sa buhay na ito. Maaari nating tularan si Nephi at sabihing “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon” (1 Nephi 3:7).
Kapag nakahanap na ako ng lugar na makapagbabasa ako ng mga banal na kasulatan, naiisip ko ang mga paraan na makakatulong ako sa iba. Nakatanggap ako ng inspirasyong magpadala ng mga text sa mga mahal ko sa buhay na itinatanong kung okay lang ba sila. Nakapagpapalakas sa akin na marinig ang isang tao na nagsasabing gumanda ang araw niya dahil sa isang mensahe na ipinadala ko sa kanila. Nakadama ako ng kapakumbabaan nang malaman kong nakinig ako sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo at natulungan ko sila.