Kumonekta
Danic L.
17, Negeri Sembilan, Malaysia
Larawang kuha ni Clayton Chan
Maraming araw na pakiramdam ko ay hindi ako sapat at baka nakakadismaya ako. Pero lagi kong iniisip kung ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa akin. Naaalala ko ang aking likas na kabanalan, ang aking banal na potensyal, at iyon ay talagang kalakasan at angkla sa akin.
Naglalaro ako ng badminton, at pagkatapos mong maglaro sa isang paligsahan at matalo, lalo na sa isang tao na sa tingin mo ay kaya mong talunin, pakiramdam mo ay talagang bigo ka. Sa mga oras na iyon naiisip ko na ang Diyos ay nariyan para sa akin, at binibigyan ako nito ng lakas para magpatuloy.
Madarama mo ang pag-ibig ng Diyos kapag tumingin ka sa Kanya. Lagi Siyang nariyan para sa iyo, at maaari mong taglayin ang banal na kapangyarihan na maibibigay Niya sa iyo.
Si Jesucristo talaga ang ating Tagapagligtas. Namatay Siya para sa ating mga kasalanan. Ang pag-ibig na kailangan Niya para kusang-loob na mamatay para sa atin—sa palagay ko ito ay isang pag-ibig na mahirap ilarawan. Ito ay napakahalaga at makapangyarihan.