2013
Sumangguni sa Panginoon
Abril 2013


Samangguni sa Panginoon

Eduardo Oliveira, Ceará, Brazil

Noong 15 taong gulang ako, nagustuhan ko ang isang dalagita sa klase ko sa paaralan at gusto ko siyang ideyt. Kaakit-akit siya, pero inisip ko kung dapat ko siyang yayaing lumabas kahit wala pa akong 16 anyos. Naalala ko ang Alma 37:37, na nagsasabing, “Makipagsanggunian sa Panginoon sa lahat ng iyong mga gawain, at gagabayan ka niya sa kabutihan.” At iyon nga ang ginawa ko. Nagdasal ako at naghintay nang ilang araw sa sagot ng Panginoon bago ako nagdesisyon.

Isang araw sa simbahan, tinawag ako ng bishop namin sa isang silid at inanyayahan akong magsalita sa susunod na Linggo. Hulaan ninyo kung ano ang paksa? Huwag makipagdeyt hangga’t wala ka pang 16 na taong gulang. Nadama ko na ito ang sagot sa akin ng Panginoon, at ang sagot ay huwag. Paano ko maituturo ang isang bagay na hindi ko ginagawa?

Dahil sumangguni ako sa Panginoon, nalaman ko ang kalooban ng Panginoon para sa buhay ko at nakalayo rin ako sa tukso. Alam ko na kung sasangguni tayo sa Panginoon, sasabihin Niya sa atin ang Kanyang kalooban at labis tayong pagpapalain.