2013
Linggo ng Paskua
Abril 2013


Linggo ng Paskua

Isinakatuparan ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo ang Pagbabayad-sala—na kinapapalooban ng Kanyang pagdurusa sa Getsemani, Pagpapako sa Krus sa Golgota, at Kanyang Pagkabuhay na Muli mula sa libingan—sa huling linggo ng Kanyang buhay.

Sa Konseho sa Kalangitan bago nilikha ang daigdig, inilahad ng Ama sa Langit ang Kanyang plano para sa atin, na Kanyang mga anak. Nagsigawan tayo sa galak nang piliin ng Ama sa Langit si Jesucristo para magsakatuparan ng plano ng kaligtasan (tingnan sa Job 38:7 at Abraham 3:27). Isinilang kay Maria sa Betlehem, namuhay si Jesus nang walang kasalanan. Dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala, makababalik tayo sa piling ng ating Ama sa Langit at makatatanggap ng buhay na walang-hanggan. Muling darating si Jesucristo sa kapangyarihan at kaluwalhatian upang manirahan sa lupa sa Milenyo, at Siya ang tatayong Hukom ng lahat ng tao sa huling araw.

Narito ang mga imahe mula sa mga Biblie video na naglalarawan sa huling linggo ng buhay ng Tagapagligtas. Isiping basahin ang mga talata ng banal na kasulatan para sa bawat larawan. Para sa buong kronolohiya ng mga pangyayari, sumangguni sa pagkakasundo ng apat na Ebanghelyo sa Bible Dictionary o sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan. Ang mga Bible video ay makukuha sa biblevideos.lds.org.

Larawan

Sa ikalimang araw bago ang Paskua, pumasok si Jesus sa Jerusalem sakay ng isang asno gaya ng ipinropesiya. Nakilala Siya ng mga tao bilang kanilang Hari, sumigaw ng “Hosana,” at inilatag ang kanilang mga kasuotan at palaspas sa harapan ng asno. (Tingnan sa Mateo 21:1–11; Marcos 11:1–11; Zacarias 9:9.)

Images © IRI

Larawan

Sa ikalawang pagkakataon noong Kanyang mortal na ministeryo, nilinis ni Jesus ang paligid ng templo. “Ang aking bahay ay tatawaging bahay ng panalanginan, datapuwa’t ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan,” ang sabi Niya sa mga mamamalit ng salapi (Mateo 21:13). Pagkatapos marami sa mga bulag at lumpo ang lumapit sa Kanya sa templo, at pinagaling Niya sila. Ngunit nang makita ng mga punong saserdote at escriba ang Kanyang mga himala, nagalit sila at naghanap ng paraan para sirain Siya. (Tingnan sa Mateo 21:12–17; Marcos 11:15–19.)

Images © IRI

Larawan

Si Jesucristo, ang Bugtong na Anak ng Ama, ay nagpakababa na pumarito sa mundo upang tubusin ang lahat ng tao mula sa Pagkahulog. (Tingnan sa 1 Nephi 11:16–22, 26–33; Alma 7:10–13.)

Images © IRI

Larawan

Sa buong linggo, ibinigay ng Tagapagligtas ang ilan sa Kanyang hindi malilimutang mga sermon, kabilang na ang pagtuturo tungkol sa lepta ng balo. (Tingnan sa Marcos 12:41–44; Lucas 21:1–4.)

Images © IRI

Larawan

Sa Halamanan ng Getsemani, ang Tagapagligtas ay lumuhod at nanalangin, at dahil sa pagdurusa Niya sa mga kasalanan ng daigdig Siya ay “[nanginig] dahil sa sakit, at [nilabasan] ng dugo sa bawat pinakamaliit na butas ng balat, at [nagdusa] kapwa sa katawan at espiritu” (D at T 19:18). Hindi nagtagal inaresto ni Judas Iscariote at ng mga lalaking may sandata si Jesus, at tinalikuran ng lahat ng mga disipulo ang Panginoon at tumakas sila. (Tingnan sa Mateo 26:36–56; Marcos 14:32–50; Lucas 22:39–53.)

Images © IRI

Larawan

Sa Kanyang huling hapunan, nangako si Jesus sa Kanyang mga apostol na matatanggap nila ang Tagaalo, o ang Espiritu Santo, kapag wala na Siya. Itinuro Niya sa kanila na alalahanin Siya sa pagtanggap ng sakramento. Pagkatapos ng gabi, inialay ni Jesus ang Panalangin ng Pamamagitan, kung saan ipinagdasal Niya na magkaisa ang mga disipulo. (Tingnan sa Mateo 26:17–30; Marcos 14:12–26; Lucas 22:14–32; Juan 13–17.)

Images © IRI

Larawan

Matapos ang labag sa batas na paglilitis at malupit na paghagupit, hinayaan ni Jesucristo na mapako Siya sa krus, upang malubos ang “dakila at huling hain” na siyang nagbigay-daan upang maging posible ang kaligtasan para sa lahat ng mga anak ng Diyos (tingnan sa Alma 34:14–15). Bago gumabi, inalis ng mga tagasunod ni Jesus ang Kanyang katawan mula sa krus, dinamitan Siya ng lino at mga unguento, at inihimlay Siya sa isang libingan. (Tingnan sa Mateo 27; Lucas 23; Marcos 15; Juan 19.)

Images © IRI

Larawan

Sumapit ang bukang-liwayway ng Linggo, at si Maria Magdalena at ang iba pang matatapat na kababaihan ay dumating sa puntod upang pahiran pa ng langis ang katawan ni Jesus. Nakita nila ang bato ng libingan na iginulong palayo at ang dalawang anghel na nagpahayag ng mabuting balita: “Siya’y wala rito: sapagka’t siya’y nagbangon” (Mateo 28:6). Dinaig ng nabuhay na muling Tagapagligtas ang kamatayang pisikal at ginawang posible para sa bawat isa sa atin na mabuhay muli: “Sapagka’t kung paanong kay Adam ang lahat ay nangangamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin” (I Mga Taga Corinto 15:22). (Tingnan sa Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20).

Images © IRI