2013
Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako
Abril 2013


Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako

Panawagan para sa mga Retrato ng mga Kabataan

Ang tema ng Mutual sa taong ito ay “Tumayo kayo sa mga banal na lugar, at huwag matinag” (D at T 87:8). Mga kabataang lalaki at babae, ang Liahona ay naghahanap ng mga retrato ninyo na nakatayo sa mga banal na lugar. Maaaring ipakita sa mga retrato na kasama ninyo ang inyong pamilya, naglilingkod, gumagawa ng gawaing misyonero, lumilikha ng sining, nag-aaral ng ebanghelyo, ginagalugad ang kalikasan, at iba pa! Narito ang paraan kung paano isumite ang inyong retrato:

  • Magpakuha ng retrato na nakatayo kayo sa isang banal na lugar.

  • I-email ang inyong high-resolution photo sa liahona@ldschurch.org.

  • Magdagdag ng mensahe kung bakit banal ang lugar na ito para sa inyo.

  • Sa inyong email, ilagay lamang ang inyong buong pangalan, kapanganakan, pangalan ng ward at stake (o branch at district), at email address ng inyong mga magulang.

Ang mga retrato ng mga kabataan sa iba’t ibang dako ng mundo ay itatampok sa susunod na isyu.

Bumisita ang Apostol sa Morocco

Noong Disyembre 2012, matapos maorganisa ang ika-3,000 stake ng Simbahan sa Sierra Leone sa West Africa, binisita ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang maliit at napakalayong branch ng Simbahan sa Rabat, Morocco.

Sa isang espesyal na debosyonal sa Linggo ng gabi, ipinarating ni Elder Holland ang pagmamahal ng mga pinuno ng Simbahan sa bawat miyembro ng Simbahan sa buong mundo, kahit kakaunti sila o napakalayo man nila.

“Hindi kayo nakakaligtaan, at bahagi kayo ng kagila-gilalas na gawain sapagkat kinikilala at pinabibilis ng Panginoon ang pagtitipon ng Israel sa dakila at huling dispensasyong ito,” wika niya.

Inilaan ang Tegucigalpa Honduras Temple

Noong Linggo, Marso 17, 2013, kasunod ng kultural na pagdiriwang at tatlong linggong open house, inilaan ang Tegucigalpa Honduras Temple sa tatlong sesyon, na ibinrodkast sa lahat ng unit ng Simbahan sa Honduras at Nicaragua.

Ang mga miyembrong taga-Honduras, na sanay magbiyahe nang ilang oras papunta sa Guatemala City Guatemala Temple, ay nagalak na makitang inilaan ang unang templo sa bansa. Ang templo ay unang ibinalita sa liham ng Unang Panguluhan noong Hunyo 9, 2006, at nagkaroon ng groundbreaking sa kinatatayuan nito ngayon noong Setyembre 12, 2009.

Bumisita si Pangulong Monson sa Germany

Sa huling mga araw ng 2012 nagpunta si Pangulong Thomas S. Monson sa Germany para pulungin ang mga miyembro ng Simbahan sa Hamburg, Berlin, Munich, at Frankfurt, Germany, at payuhan sila na sundin si Jesucristo.

“Nagturo Siya ng kapatawaran sa pamamagitan ng pagpapatawad,” sabi niya sa mga miyembro sa Frankfurt. “Nagturo Siya ng habag sa pamamagitan ng pagiging mahabagin. Nagturo Siya ng katapatan sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang sarili.”

Ipinapakita ng mga kabataan sa iba’t ibang dako ng mundo kung paano sila tumayo sa mga banal na lugar.