2013
Sama-samang Pag-aaral ng mga Mensahe sa Kumperensya
Abril 2013


Notebook ng Kumperensya para sa Buwan ng Abril

Sama-samang Pag-aaral ng mga Mensahe sa Kumperensya

Si Greg Batty ay nakatira sa Utah, USA.

Ang pagbabago sa paraan ng pagrepaso namin sa kumperensya ay nakatulong nang malaki sa talakayan ng aming pamilya.

Sa loob ng maraming taon nasisiyahan kaming basahin ang bawat artikulo sa isyu ng kumperensya. Nang magsimula kami, basta nagtipon lang kami sa paligid ng mesa at palitang nagbasa ng talata nang malakas. Pero nalaman namin na basta lang namin ito binabasa, nang hindi tumitigil para intindihin ang mga mensahe.

Para mas makinabang sa aming binabasa, bumili kami ng asawa ko ng kopya ng isyu ng kumperensya para sa bawat miyembro ng pamilya at nagplano kung ilang mensahe ang pag-aaralan namin bawat linggo para mabasa namin ang lahat ng ito bago ang susunod na pangkalahatang kumperensya. May mga linggo na isang mensahe ang binabasa namin, at sa ibang linggo maaaring dalawa, pero pag-aaralan ng lahat ang mensahe at iha-highlight ang bahaging nagustuhan nila. At sa family home evening tinuturuan namin ang isa’t isa mula sa mga bahaging naka-highlight.

Kadalasan may mga tanong ang mga anak namin na siyang magpapasimula sa mga talakayan, o kami ng asawa ko ang nagtatanong mula sa aming pinag-aralan. Gustung-gusto naming naririnig ang aming mga tinedyer na nagpapaliwanag sa mga sagot sa mga tanong, na ibinabahagi ang mga natutuhan nila sa seminary, sa simbahan, o sa kanilang sariling pag-aaral. Naging magandang paraan ito para marinig ang di pormal na patotoo ng bawat isa sa komportableng paraan.

Di nagtagal natuklasan naming ganito na rin ang saloobin sa aming pag-aaral ng banal na kasulatan sa umaga. May mga araw na ilang talata lang ang nababasa namin at mabilis na lilipas ang oras sa pagtalakay sa mga talatang iyon at kung paano angkop ang mga ito sa nangyayari sa aming paligid.

Ang umaga namin ngayon ay napupuno ng pag-uusap, pagtatawanan, at pagkakaisa bago kami magkani-kanya ng lakad. Malakas ang aming patotoo sa payo ng ating propeta na sama-samang mag-aral at manalangin araw-araw. Nagbago ang aming pamilya at ngayon ay natututo na kami at napalalakas namin ang isa’t isa. Lahat ng ito ay bunga ng kagustuhang matuto pa mula sa pangkalahatang kumperensya.

Paglalarawan ni Aubry Startin © IRI