2013
Ang Iyong Personal na Interbyu sa Diyos
Abril 2013


Mga Kabataan

Ang Iyong Personal na Interbyu sa Diyos

Itinuturo ni Pangulong Eyring na sa pakikinig natin sa mga panalangin sa sakramento, maaari nating madama na parang personal tayong iniinterbyu ng Diyos. Iniisip ni Pangulong Eyring ang tatlong aspetong ito. Isiping isulat ang mga tanong na ito sa iyong journal at pagnilayan ang mga ito tuwing Linggo sa buwang ito. Habang nagninilay ka at tumatanggap ng mga impresyon mula sa Espiritu Santo, maaari mo ring isulat ang tungkol sa mga ito sa iyong journal.

  • Ano ang ginawa ko na ikinalugod ng Diyos?

  • Ano ang kailangan kong pagsisihan o ihingi ng kapatawaran?

  • Sino ang gusto ng Diyos na paglingkuran ko?