2013
Paano Maglingkod sa mga Katungkulan sa Priesthood
Abril 2013


Paano Maglingkod sa mga Katungkulan sa Priesthood

Mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 1987.

Larawan
Pangulong Thomas S. Monson

Napag-isipan na ba ninyo ang kahalagahan ng kaluluwa ng isang tao? Napag-isipan na ba ninyo ang potensyal na taglay ng bawat isa sa atin?

Dumalo ako minsan sa isang stake conference kung saan binuklat ng dati kong stake president na si Paul C. Child ang Doktrina at mga Tipan 18 at sinimulang basahin: “Tandaan na ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos” (talata 10).

Pagkatapos ay itinanong ni Pangulong Child, “Ano ang kahalagahan ng kaluluwa ng isang tao?” Iniwasan niyang tawagin ang isang bishop, stake president, o high councilor para sumagot. Sa halip, pinili niya ang pangulo ng isang elders quorum.

Ang nagulat na lalaki ay tila habampanahong natahimik at pagkatapos ay sinabing, “Ang kahalagahan ng kaluluwa ng isang tao ay ang kakayahan nitong maging katulad ng Diyos.”

Pinag-isipang mabuti ng lahat ng naroon ang sagot na iyon. Nagpatuloy si Pangulong Child sa kanyang mensahe, ngunit patuloy kong pinag-isipan ang inspiradong sagot na iyon.

Ang matulungan, maturuan, maantig ang mahahalagang kaluluwang inihanda ng ating Ama para sa Kanyang mensahe ay isang napakalaking gawain. Bihirang maging simple ang tagumpay. Karaniwan ay inuunahan ito ng mga luha, pagsubok, tiwala, at patotoo.

Napapanatag ang mga lingkod ng Diyos sa pagtiyak na ito ng Panginoon: “Ako’y sumasa inyong palagi” (Mateo 28:20). Ang dakilang pangakong ito ay nagpapalakas sa inyo na kalalakihan ng Aaronic Priesthood na tinawag sa mga katungkulan ng pamumuno sa mga korum ng mga deacon, teacher, at priest. Hinihikayat kayo nito sa paghahanda ninyo sa pagmimisyon. Pinapanatag kayo nito kapag nanghihina ang inyong loob, na dumarating sa lahat.

“Dahil dito, huwag mapagod sa paggawa ng mabuti,” sabi ng Panginoon, “sapagkat kayo ay naglalagay ng saligan ng isang dakilang gawain. At mula sa maliliit na bagay nagmumula ang yaong dakila.

Masdan, hinihingi ng Panginoon ang puso at may pagkukusang isipan” (D at T 64:33–34). Sa kanilang matibay na pananampalataya, patuloy na tiwala, at marubdob na hangarin makikilala ang mga naglilingkod sa Panginoon nang buong puso noon pa man.

Kung may sinumang nakaririnig sa aking tinig na nag-iisip na siya ay hindi handa, at wala pang kakayahang tumugon sa tawag na maglingkod, magsakripisyo, magpala sa buhay ng iba, alalahanin ang katotohanang ito: “Sinuman ang tawagin ng Diyos, gagawin Niyang karapat-dapat.”

Larawan

Paglalarawan ni Cody Bell © IRI