2013
Isinalba nina Max at Mia ang Araw
Abril 2013


Isinalba nina Max at Mia ang Araw

Naghanda si Max na gumanap na superhero. Isinuot niya ang kanyang pulang t-shirt. Isinuot niya ang kanyang kapang pang-superhero. Pagkatapos ay nagpunta siya sa kuwarto ng kanyang kapatid na babae.

“Halika na, Mia,” sabi ni Max. “Isalba natin ang araw!”

Nagpunta sina Max at Mia sa sala. Nakita nila ang isang basket na puno ng mga damit.

“Tutulungan ba ninyo ako?” tanong ni Inay.

“OK,” sabi ni Max. “Tapos alis na tayo para isalba ang araw.”

Tinulungan nina Max at Mia si Inay na itupi at itabi ang lahat ng damit.

Pagkatapos ay nakita ni Max ang kaunting dumi sa sahig. “Damputin natin ang lahat ng dumi,” sabi ni Max. “Tapos alis na tayo para isalba ang araw.”

Nilibot nina Max at Mia ang buong bahay. Itinapon nila ang lahat ng duming nakita nila.

Nakita nila si Inay na winawalis ang sahig ng kusina. “Matutulungan po namin kayo,” sabi ni Max.

Hinawakan ni Mia ang pandakot habang nagwawalis si Max.

“Halika na’t isalba natin ang araw,” sabi ni Max.

Inilibot ni Inay ang kanyang tingin sa malinis na bahay. Pagkatapos ay niyapos sina Max at Mia. “Palagay ko nagawa n’yo na!”

Mga paglalarawan ni Elise Black