Isang Linggo sa Buhay ng Isang Service Missionary
“Bawat service missionary ay binibigyan ng isang customized na karanasan sa misyon na iniakma sa kanyang mga talento, kasanayan, at kaloob.”
Lunes
Nagboboluntaryo ako sa aming lokal na food bank.
Martes at Miyerkules
Naglilingkod ako sa templo!
Huwebes
Nagtuturo ako ng institute. Isa ito sa mga paborito kong bahagi ng linggo!
Biyernes
Tumutulong ako sa vet clinic malapit sa bahay namin. Perpekto ito dahil pagkatapos ng misyon ko ay mag-aaral na ako sa veterinary school!
Sabado
Kinakausap ko at tinutugtugan ng piyano ang mga residente sa isang retirement home sa lugar namin.
Linggo
Nagsisimba ako at tumatanggap ng sakramento kasama ang pamilya ko.
At siyempre pa, pinag-aaralan ko ang ebanghelyo at pinaglilingkuran ang iba araw-araw.