Para sa Lakas ng mga Kabataan
Lahat Tayo ay Maaaring Makabilang sa Pamamagitan ni Jesucristo
Pebrero 2025


Lahat Tayo ay Maaaring Makabilang sa Pamamagitan ni Jesucristo

Ang paglilingkod sa iba ay maaaring maging lunas sa pakiramdam na hindi kabilang.

Si Jesucristo bilang Mabuting Pastol

Keeping Watch [Palaging Nagbabantay], ni Yongsung Kim, sa kagandahang-loob ng HavenLight

Bilang isang komunidad ng mga Banal, minamahal at tinatanggap natin ang isa’t isa. Nakakatulong ito sa paglikha ng isang lugar ng pagiging kabilang sa Simbahan para sa lahat.

Normal lang na maramdaman mo kung minsan na hindi ka kabilang. Kapag nangyari ito, may solusyon ang ebanghelyo ni Jesucristo: paglilingkod.

“Madarama ang pagiging kabilang kapag hindi tayo naghihintay kundi kumikilos para tulungan ang isa’t isa,” sabi ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol. Bahagi ito ng handa nating gawin nang pumasok tayo sa tipan ng binyag, na aliwin at mahalin ang isa’t isa at magpasan ng pasanin ng isa’t isa (tingnan sa Mosias 18:8–9).

Si Jesucristo ang pinakamagandang halimbawa nito. Pinasan Niya ang mga pasakit, kasalanan, at kalungkutan ng buong sangkatauhan (tingnan sa Alma 7:11–13). Sa pakikipagtipan na susundin Siya at ang Kanyang mga kautusan, maaari nating makapiling na muli si Jesucristo at ang Ama sa Langit sa mga walang-hanggang pamilya.

“Samakatwid, ang ibig sabihin ng doktrina ng pagiging kabilang ay ito—na mapagtitibay ng bawat isa sa atin: Si Jesucristo ay namatay para sa akin; itinuring Niya na karapat-dapat akong pagtigisan ng Kanyang dugo. Mahal Niya ako at makagagawa ng lahat ng kaibhan sa aking buhay. Kapag ako ay nagsisi, ang Kanyang biyaya ay magpapabago sa akin. Ako ay kaisa Niya sa tipan ng ebanghelyo; kabilang ako sa Kanyang Simbahan at kaharian; at kabilang ako sa Kanyang adhikaing magdala ng kaligtasan sa lahat ng anak ng Diyos.”

Bilang mga Banal, matutulungan natin ang isa’t isa na madama na tayo ay kabilang sa pamamagitan ng pagmamahal, paglilingkod, at pagsunod kay Jesucristo.