Mga Tinig ng mga Kabataan
Pagkawala ng Maraming Bagay, Pagkatagpo sa Tagapagligtas
Gi Hyun M., edad 16, Laguna, Philippines
Mahilig kumanta ng mga himno, makinig sa musika, at maglingkod sa mga kabataan.
Larawang-guhit ni Adam Howling
Dati-rati ay ayaw kong magsimba dahil pakiramdam ko ay wala akong mga kaibigan doon. Sa paaralan, may mga kaibigan ako na maaari kong makatawanan. Pero nadama ko na naiiba sa akin ang mga dalagita sa simbahan o baka ayaw nila sa personalidad ko. Nagsimula akong magkunwaring tulog para hindi ako makasimba.
Pagkatapos ay dumating ang pandemyang COVID-19, at naranasan namin ang panahon na nawala ang maraming bagay sa amin. Nakatira ako sa nanay at lola ko. Nawalan ng trabaho ang nanay ko, at naisip namin na kailangan naming lisanin ang bahay namin. Nagsimula akong maghanap ng mas murang tirahan, pero wala akong nakita. Sa halip, natagpuan ko ang Tagapagligtas.
Nagsimulang magbrodkast ang Simbahan ng mga serbisyo ng simbahan online, at ginigising ako ng nanay ko para manood, na nakatulong sa akin na “gustuhin ko ito kahit sa una ay ayaw ko.” Pakiramdam ko ay tinutulungan ako ng Tagapagligtas, kahit hindi ako nagpapatulong sa Kanya. At nang magsimula akong magpatulong sa Kanya, mas tinulungan Niya ako. Ang pagkawala ng maraming bagay ay nakatulong sa akin na matagpuan ang Tagapagligtas.
Binigyan ako ng bishop namin ng calling, at naging kaibigan ko ang iba pang mga dalagita dahil naging tapat ako sa kanila. Dahil nadama ko noon na parang wala akong mga kaibigan, natanto ko na baka nadarama rin ito ng iba. Dahil dito ay naisip ko na ako dapat ang unang kumilos at tumulong.
Naaalala ko noong ako na ang tutulong na magturo ng lesson sa simbahan. Sa kalooban ko, ayaw ko talagang gawin iyon. Pero nang magawa ko iyon, natuwa ako. Itinuro nito sa akin na talagang maganda ang ebanghelyo. Mahirap ilarawan iyon sa magandang paraan.
Sa huli, tinulungan ng Panginoon ang nanay ko na makahanap ng bagong trabaho. Salamat na lang at nakatira pa rin kami sa bahay namin, at ginawa pa ito ng Tagapagligtas na mas banal na lugar. Nagtatawanan pa rin kami ng mga kaibigan ko sa paaralan. Pero wala nang mas mainam pa sa kagalakang ibinibigay ng Tagapagligtas.