2020
Mga Kabataan
Pebrero 2020


Mga Kabataan

Larawan
Sofia

Larawang kuha ni Bruno Lima

Noong una, akala ko mahirap mag-seminary. Kinailangan kong lumipat ng paaralan at mag-seminary nang napakaaga. Akala ko hindi ko kakayanin dahil marami akong takdang-aralin at iba pang mga gawain.

Pero nang magsimula na akong mag-seminary, bigla akong nagkaroon ng maraming oras. Ngayon, palagi nang sapat ang oras ko para sa aking takdang-aralin. At palagi akong sabik na gumising kinabukasan at mag-seminary muli. Nagtutulungan kami ng mga kaibigan ko at marami kaming natututuhan habang naroon.

Ang kaligayahang nadarama ko sa seminary ay katulad ng kaligayahang nadarama ko kapag nasa templo ako. Bago ako mag-11 taong gulang, nakapunta na sa templo ang lahat ng aking mga kapatid at kaibigan pero ako ay hindi pa.

Noong nasa hustong gulang na ako para makapasok sa loob ng templo at magsagawa ng mga binyag, nakaramdam ako ng kapayapaan. Kahit inilarawan na sa akin ng aking pamilya at mga kaibigan kung ano ang naramdaman nila sa loob ng templo, sabik na sabik pa rin akong maramdaman iyon.

Sofia D., edad 14, Colombia