2020
Ipakita at Ikuwento
Pebrero 2020


Ipakita at Ikuwento

Gustung-gusto kong niyayaya ang mga kaibigan ko na sumama sa akin sa simbahan o sa mga aktibidad.

Jacob K., edad 12, New South Wales, Australia

Masayang-masaya ako nang mabinyagan ako. Ang kuya ko, na naglingkod sa misyon, ang nagbinyag sa akin!

Astrid V., edad 8, Arequipa, Peru

May mga kamag-anak kami na nakatira sa Tonga, kaya nalungkot kami nang tamaan ito ng malakas na bagyo. Naisip namin na magpadala ng mga water purifier para makainom sila ng malinis na tubig. Nagtrabaho kami nang maigi at kumita nang sapat na pera para makapagpadala ng tatlong kahon ng water purifier! Ang mga kamag-anak namin sa Tonga ay may sapat na suplay para makatulong sa kanilang komunidad.

Kalea at Christopher L., parehong edad 8, Saskatchewan, Canada

Ang mga bata sa Primary sa San Luis Province, Argentina, ay nag-ensayo para sa programa ng Primary at nasasabik na silang itanghal ito!

Ang mga bata sa Primary sa Ping Chen District, Taiwan, ay naglagay ng mga fuzzy ball sa isang lalagyan para sumagisag sa mga panalanging nasambit, mga banal na kasulatang nabasa, at mga sandaling nadama nila ang pagmamahal ng Diyos. Bawat linggo ay ibinahagi nila kung ano ang ginawa, nadama, ipinagdasal, o natutuhan nila. Marami silang paalala ng pagmamahal ng Diyos!

Lynn P., edad 11, Santa Cruz, Bolivia