2020
Patotoo tungkol kay Jesucristo
Pebrero 2020


Patotoo tungkol kay Jesucristo

“At ngayon, matapos ang maraming patotoo na ibinigay hinggil sa kanya, ito ang patotoo, na pinakahuli sa lahat, na aming ibibigay tungkol sa kanya: Na siya ay buhay!

“Sapagkat siya ay aming nakita, maging sa kanang kamay ng Diyos; at aming narinig ang tinig na nagpapatotoo na siya ang Bugtong na Anak ng Ama—

“Na sa kanya, at sa pamamagitan niya, at mula sa kanya, ang mga daigdig ay nililikha at nalikha, at ang mga naninirahan dito ay mga isinilang na anak na lalaki at babae ng Diyos.”

Doktrina at mga Tipan 76:22–24;idinagdag ang pagbibigay-diin.

Siya ay buhay!

Siya ay aming nakita

  • Palaging sinusunod ng Diyos ang huwaran ng pagtawag ng mga saksi (tingnan sa Mga Gawa 5:32).

  • Tinawag Niya si Joseph Smith na maging saksi ng buhay na Cristo sa mga huling araw.

Aming narinig ang tinig

Nagpatotoo ang isang tinig mula sa langit, na kadalasan ay tinig ng Ama, sa iba pang mga pagkakataon na si Jesucristo ang Anak ng Diyos (tingnan sa Mateo 3:17; 3 Nephi 11:7; Joseph Smith—Kasaysayan 1:17).

Ang mga daigdig ay nililikha at nalikha

Sa ilalim ng pamamahala ng Ama, nilikha ni Jesucristo ang “mga daigdig na di mabilang” (Moises 1:33).

Ang mga naninirahan dito ay mga isinilang na anak na lalaki at anak na babae

Ang ilan sa iba pang mga daigdig ay pinananahanan ng mga tao. Wala tayong gaanong alam tungkol sa mga taong iyon (tingnan sa Moises 1:35), ngunit alam natin na sila ay mga anak ng Ama sa Langit at naligtas sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Mga paglalarawan ni Josh Talbot

“Ito ang Sinisinta Kong Anak”