2020
Mga Bangka sa mga Banal na Kasulatan
Pebrero 2020


Mga Bangka sa mga Banal na Kasulatan

Maraming banal na kasulatan na nagkukuwento tungkol sa mga bangka! Ano ang matututuhan mo mula sa mga kuwentong ito?

Sino Ako?

Itugma ang bawat tao sa kanilang kuwento.

  1. Binalaan ako ng Diyos na pababahain Niya ang mundo. Inutusan Niya akong gumawa ng isang malaking bangka na tinatawag na arka para makaligtas ang aking pamilya at ang mga hayop.

  2. Kasama namin si Jesus sa bangka nang dumating ang isang bagyo. Pinayapa ni Jesus ang hangin at ang mga alon.

  3. Gumawa ako at ang kapatid ko ng mga barko para makapunta sa lupang pangako. Hiniling ko sa Diyos na pailawin ang mga bato para magkaroon ng liwanag sa aming mga sasakyang-dagat.

  4. Hindi makadaong ang bangka namin dahil nagyelo ang daungan! Ako ang namuno sa pagdarasal ng grupo namin na tulungan kami ng Diyos. Sapat lang ang natunaw na yelo para makadaan ang bangka namin.

  • Noe

  • Mga disipulo ni Jesus

  • Ang kapatid ni Jared

  • Lucy Mack Smith

Si Nephi ay Gumawa ng Isang Sasakyang-dagat

Gamitin ang iskrip na ito para magsadula ng ilang bahagi ng 1 Nephi 17.

Narrator: Matapos maglakbay ang pamilya ni Nephi sa ilang, nakarating sila sa karagatan. Inutusan ng Panginoon si Nephi na gumawa ng mga kagamitan at ng isang sasakyang-dagat.

[Gumagawa si Nephi. Papasok sa eksena sina Laman at Lemuel.]

Nephi: Mga kapatid ko, halikayo’t tulungan ninyo akong gumawa ng sasakyang-dagat!

Laman: Ayaw ko! Hindi ka marunong gumawa niyan.

Lemuel: Isa kang hangal, katulad ng ating ama.

Nephi: Gagabayan tayo ng Panginoon patungo sa lupang pangako, katulad ng ginawa Niya sa mga tao ni Moises. Nalulungkot ako dahil hindi kayo naniniwala sa mga pangako ng Diyos.

Laman: [galit na babaling kay Lemuel] Ihagis natin siya sa dagat!

[Tatangkain nina Laman at Lemuel na sunggaban si Nephi, pero uurong si Nephi.]

Nephi: Kaya kong gawin ang anumang bagay na iniutos ng Diyos sa akin.

[Iuunat ni Nephi ang kanyang kamay kina Laman at Lemuel. Manginginig at mapapaluhod sila.]

Laman: Nadama ko ang kapangyarihan ng Panginoon!

Lemuel: Ako rin! Nanginig ako dahil dito!

[Tutulungan sila ni Nephi na makatayo.]

Nephi: Umaasa akong maniniwala na kayo sa Diyos. Ngayon, magtulungan tayo na tapusin ang sasakyang dagat na ito.

Narrator: Natapos ni Nephi at ng kanyang pamilya ang sasakyang-dagat at naglayag sila patungo sa lupang pangako.

Gumawa ng Sarili Mong Bangka

Narito ang mga ideya para sa paggawa ng iba’t ibang uri ng bangka. Anong mga ideya ang naiisip mo?

  • Gamitin ang balat ng kinalahating avocado bilang pangunahing bahagi ng bangka.

  • Pagdikitin nang magkakasama ang mga patpat para makagawa ng lumulutang na kubyerta.

  • Gumawa ng bangkang papel.

  • Gumamit ng mga patpat at papel para palamutian ang espongha na korteng bangka.

Mga paglalarawan ni Jared Beckstrand