2020
Sa Aking Paglakad, Jesus ang Kasama
Pebrero 2020


Sa Aking Paglakad, Jesus ang Kasama

Masigasig [sangkapat na nota] = 80–88

1. Si Jesus lumakad sa karunungan;

Diyos minahal sa kanyang kabataan.

Ako’y gagabayan Niya, at Siya ang daan,

Araw-araw Siya ay aking susundan.

Sa aking paglakad, Jesus kasama,

Ako ay Kanyang babasbasan ng pag-ibig Niya,

Puso’y babaguhin at tutulungan Niya.

Sa aking paglakad, Jesus ang kasama.

2. Aking sisikaping, Siya ay gayahin.

Pangakong landas Niya ay tatahakin.

Ako’y aalagaan ng Panginoon,

Siya’y laging susundin, at mamahalin.

3. Kay Jesus tiwala, Siya’y pakikinggan.

Kahit may mali, ako’y ‘di Niya iiwan.

Ako’y binigyan Niya ng kapangyarihan,

Tutulungan Niya ‘ko magpakailanman.