2020
Paano ko maipapaliwanag sa mga kaibigan ko kung bakit kailangan natin ang Aklat ni Mormon?
Pebrero 2020


Tuwirang Sagot

Paano ko maipapaliwanag sa mga kaibigan ko kung bakit kailangan natin ang Aklat ni Mormon?

Larawan
giving a Book of Mormon

Naniniwala tayo na ang Aklat ni Mormon ay inihanda ng Panginoon para sa ating panahon at mahalaga para sa atin. Narito ang ilang dahilan kung bakit (tulad ng ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson):

  • Nilalaman nito ang mga sagot sa pinakamahahalagang tanong sa buhay.

  • Itinuturo nito ang doktrina ni Cristo.

  • Pinalalawak at ipinaliliwanag nito ang maraming “malilinaw at mahahalagang” katotohanan na nawala sa Biblia (tingnan sa 1 Nephi 13:29–33).

  • Nagbibigay ito ng ganap at lubos na mapaniniwalaang kaalaman tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo na matatagpuan sa buong aklat.

  • Itinuturo nito sa atin ang tungkol sa pagtitipon ng nakalat na Israel.

  • Inilalantad nito ang mga taktika ng kaaway (tingnan sa 2 Nephi 26–33).

  • Itinutuwid nito ang mga maling tradisyon ng mga relihiyon.

  • Lubusan nitong inaalis ang mga maling konsepto na ang paghahayag ay nagwakas sa Biblia at ang kalangitan ay nakapinid ngayon.

(Mula kay Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?” Liahona, Nob. 2017, 62).