2018
Ang Dahilan ng Ating Pag-asa
March 2018


Ang Ating Paniniwala

Ang Dahilan ng Ating Pag-asa

Ang Ama sa Langit ay may walang-hanggang plano para makauwi kayo sa Kanya. Noon pa man ay kasama mo na ang Kanyang Anak na si Jesucristo at patuloy ka Niyang sasamahan sa bawat hakbang.

Buhay Bago Tayo Isinilang

Larawan
Heavenly Father and Jesus Christ

Sa buhay bago tayo isinilang, inilahad ng Ama sa Langit sa lahat ng Kanyang espiritung anak ang Kanyang plano na tulungan tayong maging katulad Niya. Kailangan sa plano ang isang Tagapagligtas na tutulong sa atin na madaig ang pisikal at espirituwal na kamatayan. Sinabi ni Jesucristo na handa Siyang maging Tagapagligtas natin at ibigay ang kaluwalhatian sa Ama sa Langit (tingnan sa Moises 4:1–2).

Paglikha

Larawan
earth

Sa pamamahala ng Kanyang Ama, lumikha si Jesucristo ng isang magandang mundo para sa atin (tingnan sa Mga Taga Colosas 1:15–16; 3 Nephi 9:15). “Ang lawak ng kawalang-hanggan, ang mga kaluwalhatian at hiwaga ng walang-katapusang kalawakan at panahon ay nilikha para sa kapakinabangan ng mga pangkaraniwang taong tulad natin” (Dieter F. Uchtdorf, “Mahalaga Kayo sa Kanya,” Liahona, Nob. 2011, 20).

Buhay sa Lupa

Larawan
Jesus praying

Sa lupa hindi na natin kasama ang Diyos, ngunit magagabayan tayo ng ebanghelyo ni Jesucristo. Bagama’t nagkakasala tayo paminsan-minsan, mapapagaling at mapapatawad tayo ng Tagapagligtas kapag nagsisi tayo. Siya ay nagdusa “nang higit sa matitiis ng tao” (Mosias 3:7) upang madaig natin ang ating mga kasalanan nang hindi hinahatulan dahil sa mga ito! (Tingnan sa Mosias 4:2; Alma 42:14–15.)

Kabilang-Buhay

Larawan
resurrected Christ

Sa kamatayan, ang ating espiritu at katawan ay naghihiwalay, at maghihintay sa Pagkabuhay na Mag-uli sa daigdig ng mga espiritu. Nadaig ng Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo ang kamatayan para sa ating lahat, at kung tayo ay magiging matapat, makakasama nating muli ang ating pamilya at ang Ama sa Langit. “Ang espiritu at ang katawan ay magsasamang muli sa kanyang ganap na anyo” (Alma 11:43) at mabubuhay magpakailanman. (Tingnan sa I Mga Taga Corinto 15:22; 2 Nephi 9:4–13.)

Araw ng Paghuhukom

Larawan
judgment

Si Jesucristo ang magiging hukom natin. Siya na ating tagapamagitan sa Ama sa Langit ay magbibigay ng perpekto, mapagmahal, maawain, at makatarungang paghatol. Hahatulan Niya tayo hindi lamang dahil sa ating ginawa, sinabi, at inisip kundi dahil sa ating kinahinatnan—kung gaano tayo katulad ni Cristo. (Tingnan sa 2 Nephi 9:15; Mosias 4:30; D at T 45:3–5.)

Buhay na Walang Hanggan

Larawan
Second Coming

Ang mga lumalapit kay Cristo at tumatanggap ng lahat ng kinakailangang ordenansa, tulad ng binyag at mga ordenansa sa templo, at tapat sa mga kautusan ay magmamana ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos. Ang pagpapalang ito ay dumarating “sa pamamagitan ng kabutihan, at awa, at biyaya ng Banal na Mesiyas” (2 Nephi 2:8; tingnan din sa Mosias 15:23).