2018
Noe
March 2018


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Noe

Larawan
Noah 1
Larawan
Noah 2
Larawan
Noah 3

Noong unang panahon, ang mga tao sa mundo ay gumawa ng masasamang pagpili. Nagsugo ang Diyos ng isang matapang na propeta na nagngangalang Noe. Sinabi niya sa mga tao na dapat silang magsisi at mahalin ang Diyos. Nakinig ba sila? Hindi! Patuloy silang gumawa ng masama.

Sinabi ng Diyos kay Noe na aalisin Niya ang masasamang bagay sa mundo. Sinabi ng Diyos kay Noe na gumawa ng isang malaking bangka na tinatawag na arka. Tinipon ni Noe ang kanyang pamilya at mga hayop sa loob ng arka. Pagkatapos ay nagsimulang umulan.

Umulan sa loob ng 40 araw at 40 gabi. Nabalot ng tubig ang buong mundo! Si Noe at ang kanyang pamilya at mga hayop ay ligtas sa loob ng arka.

Sa wakas, tumigil ang ulan. Bumaba ang baha. Nakita ni Noe ang isang bahaghari sa langit. Nangako ang Diyos na hindi na muling babalutin ng tubig ang mundo.

Maaari akong maging katulad ni Noe at makinig sa Ama sa Langit. Alam kong tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako. Ako ay pinagpapala kapag sumusunod ako sa Kanyang mga kautusan.