2018
Paghahandang Marinig ang Tinig ng Diyos
March 2018


Mga Kabataan

Paghahandang Marinig ang Tinig ng Diyos

Larawan
youth preparing for general conference

Ipinaliwanag ni Pangulong Uchtdorf kung paanong ang unang ginawa ng Diyos matapos likhain ang lalaki at babae ay kausapin at bigyan sila ng mahalagang impormasyon at mga tagubilin. Natatanggap din natin ang gayong pagpapala tuwing Abril at Oktubre sa pangkalahatang kumperensya, kung kailan nagsasalita sa atin ang mga pinuno ng Simbahan at nagbibigay sa atin ng payo na nais ng Panginoon na marinig natin.

Narinig mo na ba ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod sa oras ng pangkalahatang kumperensya? Nadama mo na ba na isang partikular na mensahe ang nagbigay ng kasagutang matagal mo nang hinahanap? Sa isang journal, maaari mong isulat ang karanasang iyan at kung paano ito nakatulong sa iyo. Pagkatapos ay maghandang pakinggan ang tinig ng Panginoon sa darating na kumperensyang ito sa pamamagitan ng pagsulat ng mga tanong mo at pagsasaliksik tungkol dito sa oras ng pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan. Manalangin sa Ama sa Langit, na hinihiling na makatanggap ng mga sagot at kaalaman sa oras ng kumperensya. Habang nakikinig ka sa mga lingkod ng Panginoon, magtuon sa mga pahiwatig na matatanggap mo. Ano ang natutuhan mo? Paano ka naganyak na magbago? Isulat ang mga pahiwatig na iyon dahil iyan ang Espiritu na nangungusap sa iyo!

Laging tandaan na mahal ka ng Ama sa Langit at gagabayan ka sa tamang direksyon. Kapag nagsikap kang marinig ang Kanyang tinig sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod, mapagpapala ka at mapapatatag.