2018
Handang Tumulong!
March 2018


Paningningin ang Iyong Liwanag

Handang Tumulong!

Larawan
Ready to Help

Hi, ako si Aaron, mula sa British Columbia, Canada. Sinisikap kong magningning ang aking ilaw o liwanag sa pamamagitan ng pagiging handang tumulong! Kung may kailangang gawin, handa ako!

Tatlong Wika

Mula sa Hong Kong ang daddy ko, at ang mommy ko ay mula sa Guangxi, China. Nakapagsasalita ako ng tatlong wika—Cantonese, Mandarin, at Ingles. Sa aking branch, nagsasalita kami ng Cantonese at Mandarin sa sacrament meeting, at nagsasanib kami ng isang branch na wikang Ingles ang gamit na salita para sa Primary.

Tumutulong para sa Hymnbook

Tuwing Linggo tinutulungan ko ang mga missionary sa pamimigay ng mga programa. Sinisiguro kong nakakakuha ng kopya ang lahat. Kung may taong walang hymnbook, sila’y binibigyan ko nito para makakanta sila.

Isinasagawa Ito

Kung minsan kami ay may mga aktibidad sa simbahan, at madalas akong magpaiwan para tumulong sa pagtatabi ng mga upuan at mesa. Kapag may programa ang Primary sa sacrament meeting, gustung-gusto kong binibigkas ang parte ko.

Magiging Missionary sa Hinaharap

Nasasabik akong magmisyon balang-araw. Sinabi ng titser ko sa Primary na makapagsisimula na kaming mag-ipon ng pera ngayon. Kaya naman nag-iipon na ako ngayon sa alkansiya ko para sa misyon.

Nagdarasal Kasama si Lolo

Alam ko na napakahalaga ng pagdarasal. Kapag kasama namin ng kapatid ko ang aming lolo at wala ang aming mga magulang, sinisiguro ko na palagi kaming nagdarasal.