2018
Tandaan Kung Sino Kayo
March 2018


Mga Pangako ng Propeta

Tandaan Kung Sino Kayo

“Tandaan na kayo ay nagmula sa maharlikang tahanan sa kaharian ng Diyos, mga anak ng mga Magulang sa Langit, na naghahari sa buong sansinukob.

“Nasa inyo ang espirituwal na DNA ng Diyos. Kayo ay may kakaibang mga kaloob na nagmula sa espirituwal na paglikha sa inyo at lumago ang mga iyon bago kayo isinilang. Kayo ay anak ng ating maawain at walang-hanggang Ama sa Langit, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Lumikha ng sansinukob, nagpakalat ng umiinog na mga bituin sa buong kalawakan, at naglagay ng mga planeta sa kanilang nakatalagang mga orbit.

“Kayo ay nasa Kanyang mga kamay.

“Napakabuting mga kamay.

“Mapagmahal na mga kamay.

“Mapagmalasakit na mga kamay.

“At hindi iyan mababago ng anumang sinasabi ng sinuman tungkol sa inyo. Ang kanilang mga salita ay walang kabuluhan kumpara sa sinabi ng Diyos tungkol sa inyo.

“Kayo ay pinakamamahal Niyang anak.

“Mahal Niya kayo.

“Magkamali man kayo, tumalikod man kayo sa Kanya, mahal kayo ng Diyos. Kung pakiramdam ninyo ay nawawala kayo, napabayaan, o nakaligtaan—huwag matakot. Hahanapin kayo ng Mabuting Pastol. Papasanin Niya kayo sa Kanyang mga balikat. At iuuwi Niya kayo.”