2012
Tungkol sa Web
Hunyo 2012


Tungkol sa Web

Tinutulungan ng Pinahusay na Site ang mga Kabataang Lalaki na Matapos ang Kanilang Tungkulin sa Diyos

Ang website ng Tungkulin sa Diyos (DutytoGod.lds.org) ay na-update na at isa na ngayong interactive online tool na mas epektibong tumutulong sa mga kabataang lalaki na gawin, subaybayan, at i-save ang kanilang pag-unlad sa programang Tungkulin sa Diyos.

Maaari na ngayong makita ng mga deacon, teacher, at priest ang buong buklet na Pagtupad ng Aking Tungkulin sa Diyos: Para sa mga Mayhawak ng Aaronic Priesthood online sa 50 wika, at sa pag-sign in gamit ang kanilang LDS Account, maaari silang gumawa ng mga journal entry upang masubaybayan ang kanilang pagsulong sa pamamagitan ng programa. Kasama rin sa kumpletong online booklet ang lahat ng aktibidad sa pagkatuto at link sa mga banal na kasulatan at iba pang mga sanggunian.

Lalawakan ng Site para sa mga Kabataan ang mga Handog na Libreng Musika

Nilalawakan ng bahaging musika ng youth.lds.org ang mga alok nitong libre at maaaring i-download na musika na may mga tugtugin ng mas makabagong mga artist mula sa dating media na Especially for Youth (EFY). Ang pagdaragdag ay nagsimula noong Pebrero, at 30 awitin ang idaragdag nang paisa-isa bawat linggo.

Ang site ay makukuha sa English, Portuguese, at Spanish, at ipinaplano nang maglaan ng mas marami pang awitin sa Portuguese at Spanish. Sa ngayon, isang awitin sa site—ang “Strong and Courageous” ni Jenny Phillips—ang makukuha na sa Portuguese at Spanish.