2012
Ang Notebook ng Kumperensya ay Nagbibigay ng Ideya sa mga Mambabasa tungkol sa mga Tampok na Bahagi sa Kumperensya
Hunyo 2012


Ang Notebook ng Kumperensya ay Nagbibigay ng Ideya sa mga Mambabasa tungkol sa mga Tampok na Bahagi sa Kumperensya

Isang bago at regular na bahagi ng mga magasing Liahona at Ensign—ang Notebook ng Kumperensya—ang tutulong sa mga mambabasa na pag-aralan at ipamuhay ang mga turo mula sa pinakahuling mga mensahe sa kumperensya na ibinigay ng mga buhay na propeta at apostol ngayon.

Sinimulan noong Enero 2012, ang bahagi ay lilitaw sa walong isyu sa buong taon—na may isang notebook para sa bawat buwan maliban sa mga isyu sa Mayo, Hunyo, Nobyembre, at Disyembre. Itatampok sa Mayo at Nobyembre ang mga mensahe mismo sa kumperensya.

Bukod pa sa isasamang maiikling buod, makukulay na paglalarawan, mga tip sa pag-aaral, at kaugnay na mga banal na kasulatan, itatampok sa Notebook ng Kumperensya ang mga simpleng aktibidad. Isasama rin dito ang mga kuwento ng mga miyembro o mga tanong sa ebanghelyo na nasagot ng mga mensahe sa kumperensya.

Bagaman ang ilang tampok na bahagi sa Notebook ng Kumperensya ay nilayong ipaalala sa mga mambabasa ang ibinigay na mga mensahe sa pinakahuling mga pangkalahatang kumperensya, matutulungan ng iba pang tampok na bahagi ang mga mambabasa na makapaghanda para sa darating na mga sesyon ng kumperensya.

Bawat bahagi ng Notebook ng Kumperensya ay isa hanggang apat na pahina ang haba at magiging kapalit ng regular na bahaging Maliliit at mga Karaniwang Bagay ng mga magasing Liahona at Ensign.

Ang bagong Notebook ng Kumperensya na bahagi ng Liahona at Ensign ay tumutulong sa mga mambabasa na maalala ang mga tampok na bahagi sa kumperensya sa mga buwang kasunod ng pangkalahatang kumperensya.