2012
Itinatampok ng Prophets.LDS.org ang mga Bagong Talambuhay ng Buhay na mga Apostol
Hunyo 2012


Tampok sa prophets.LDS.org ang mga Bagong Talambuhay ng Buhay na mga Apostol

Sinimulang ilathala ang mga bagong talambuhay ng mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol noong Pebrero sa prophets.lds.org, sa ilalim ng bahaging pinamagatang “Meet today’s prophets and apostles.” Nasa site na ang mga talambuhay ng mga miyembro ng Unang Panguluhan noon pang Oktubre 2011. Ang mga talambuhay ay isasalin sa maraming wika sa buong taon kapag maaari nang gawin ito. Karamihan sa impormasyon ay inilathala na noon sa Liahona sa maraming wika.

“Ang pagkaalam tungkol sa kanilang pagkabata, noong estudyante pa sila, buhay-pamilya, at trabaho nila bago natawag na maging apostol ay makatutulong upang makita natin ang kamay ng Panginoon sa kanilang buhay at magsisilbing isa pang saksi kung paano Niya tinatawag at tinutulungan ang mga karaniwang lalaki at babae na maglingkod sa kaharian,” sabi ni Elder Paul B. Pieper ng Pitumpu. Kabilang sa mga talambuhay ang impormasyon at mga kuwento sa buhay ng bawat lider, ngunit higit sa lahat, ipakikita ng mga ito kung paano sila inihanda ng Panginoon na maglingkod.