2012
Komentaryo
Hunyo 2012


Komentaryo

Sa Wikang Ginamit sa Atin ng Ating mga Ina

Nagpapasalamat ako sa artikulong “Sa Bawat Wika at Tao” ni Lia McClanahan sa Oktubre 2011 na Liahona. Ipinaalala nito sa akin na napakalaking pagpapala ang mapag-aralan ang mga salita ng Diyos sa wikang ginamit sa atin ng ating mga ina. Ang artikulong ito ay nagbigay rin sa akin ng pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo at ang aking pagmamahal sa Aklat ni Mormon sa mahal kong kaibigan sa Slovenia. Salamat po!

Alan Embree, Italy

Lakas sa Gitna ng mga Pagsubok sa Akin

Sa gitna ng mga pagsubok sa akin, nakatagpo ako ng lakas sa mga patotoo, karanasan, at mensaheng nababasa ko sa Liahona. Bawat buwan pagkatanggap namin sa magasin, binabasa naming mag-asawa ang Mensahe ng Unang Panguluhan para sa family home evening. Nagbabahaginan kami ng mga kuru-kuro at ng natutuhan namin. Alam kong mahal ako ng Ama sa Langit. Sinasagot Niya ang aking mga panalangin. Alam kong pinakikinggan Niya ako.

Martita de Hernandez, El Salvador