2012
Notebook ng Kumperensya
Pebrero 2012


Notebook ng Kumperensya ng Oktubre

“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38).

Habang pinag-aaralan ninyo ang pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2011, magagamit ninyo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa darating na mga isyu) para malaman at maiangkop ninyo ang mga huling turo ng mga buhay na propeta at apostol.

Pangako ng Isang Propeta

Larawan
Pangulong Henry B. Eyring

“Talagang may epekto ang Aklat ni Mormon sa inyong pagkatao, lakas, at katapangang maging saksi ng Diyos. Ang doktrina at magigiting na halimbawa sa aklat na iyon ay magpapasigla, gagabay, at magpapalakas ng inyong loob.

“Bawat misyonerong nagpapahayag ng pangalan at ebanghelyo ni Jesucristo ay pagpapalain sa araw-araw na pagpapakabusog sa Aklat ni Mormon. Ang mga magulang na nahihirapang ipasapuso sa isang anak ang patotoo tungkol sa Tagapagligtas ay matutulungan kapag naghanap sila ng paraan upang maihatid ang salita at diwa ng Aklat ni Mormon sa tahanan at buhay ng kanilang pamilya.”

Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Isang Saksi,” Liahona, Nob. 2011, 69.

Sa Kababaihan ng Simbahan

Larawan
Pangulong Dieter F. Uchtdorf

“Mas marami pang nakalaan sa inyo kaysa kaya ninyong wariin. Patuloy na pag-ibayuhin ang inyong pananampalataya at personal na kabutihan. Ipamuhay ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo. Itangi ang kaloob na maging aktibo sa dakila at totoong Simbahang ito. Pakaingatan ang kaloob na paglilingkod sa pinagpalang organisasyon ng Relief Society. Patuloy na patatagin ang mga tahanan at pamilya. Patuloy na hanapin at tulungan ang ibang nangangailangan ng tulong ninyo at ng Panginoon.”

Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Huwag Mo Akong Kalimutan,” Liahona, Nob. 2011, 123; idinagdag ang pagbibigay-diin.

Pagkilala sa Inyong Sarili

Larawan
Elder Dallin H. Oaks

“Si Jesucristo ang Bugtong at Pinakamamahal na Anak ng Diyos. Siya ang Lumikha sa atin. Siya ang Ilaw ng Sanlibutan. Siya ang ating Tagapagligtas mula sa kasalanan at kamatayan. Ito ang pinakamahalagang kaalaman sa lupa, at malalaman ninyo ito sa inyong sarili.”

Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Mga Turo ni Jesus,” Liahona, Nob. 2011, 93.

Mga Sagot para sa Inyo

Bawat kumperensya, nagbibigay ng inspiradong mga sagot ang mga propeta at apostol sa mga tanong ng mga miyembro ng Simbahan. Gamitin ang inyong isyu ng kumperensya o bisitahin ang conference.lds.org para makita ang mga sagot sa mga tanong na ito:

Paglalarawan ni Paul Mann; mga paglalarawan NINA Les Nilsson, Weston Colton, Derek Israelsen, Craig Dimond, at Laureni Ademar Fochetto

Detalye mula sa Si Cristo na May Kasamang Batang Lalaki, ni Carl Heinrich Bloch; larawang kuha ni Emily Leishman