2012
Kapag Pinili Natin ang Tama, Pinagpapala Tayo
Pebrero 2012


Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary

Kapag Pinili Natin ang Tama, Pinagpapala Tayo

Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito para matutuhan pa ang iba tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.

Si Daniel ay nakikipaglaro ng football sa kanyang mga kaibigan nang makita niya si Joseph na mag-isang nakaupo at nanonood. Hindi gaanong mahusay maglaro ng football si Joseph. Pero ipinasiya ni Daniel na mas gusto niyang isali si Joseph kaysa manalo sa laro. Tumakbo siya papunta kay Joseph at nagtanong, “Gusto mo bang makipaglaro sa amin?”

Pinili ni Daniel ang tama.

Nangako sa atin ang Ama sa Langit at si Jesucristo na kapag pinili natin ang tama, pagpapalain tayo. May mabubuting halimbawa tayong matutularan sa mga banal na kasulatan. Narito ang dalawa:

  • Nang sundin ni Noe ang utos ng Panginoon na gumawa ng arka, nailigtas niya ang ilang miyembro ng kanyang pamilya sa Malaking Baha. (Tingnan sa Genesis 6–8.)

  • Nang mabali ni Nephi ang kanyang busog, gumawa siya ng bagong busog sa halip na sumuko. Nanalangin ang kanyang amang si Lehi na tulungan sila, at itinuro ng Panginoon kay Nephi kung saan kukuha ng pagkain. (Tingnan sa 1 Nephi 16:18–32.)

Kung minsan mahirap piliin ang tama, ngunit pinagpapala tayo ng Ama sa Langit kapag ginawa natin iyon. Sa paggawa natin ng mga tamang desisyon, mapapanatag at liligaya tayo.

Mga paglalarawan ni Apryl Stott