2012
Sino ang Ama sa Langit?
Pebrero 2012


Natatanging Saksi

Sino ang Ama sa Langit?

Mula sa “We May Be Like Him,” Friend, Ene. 2004, 45; “Your Test of Courage,” New Era, Mar. 1990, 6; “The Pattern of Our Parentage,” Ensign, Nob. 1984, 69.

Larawan
Pangulong Boyd K. Packer

Ang Ama ang nag-iisang tunay na Diyos. Walang magpapabago sa kaugnayan natin sa Kanya.

Sa espirituwal marangal ang inyong pinagmulan, ang supling ng Hari ng langit. Isaisip ang katotohanang iyan at manangan dito.

Ikaw ay anak ng Diyos. Siya ang ama ng iyong espiritu.

Siya ang Ama. Siya ang Diyos. Pinagpipitaganan natin ang ating Ama at ating Diyos; sinasamba natin Siya.

Tulad ng pagsunod ng lahat ng buhay sa huwaran ng mga magulang nito, tayo man ay maaaring lumaking kawangis ng ating Ama sa Langit kung mamumuhay tayo nang matwid at susunod sa Kanyang mga utos.

Mga paglalarawan ni Mark Robison