Para sa Lakas ng mga Kabataan
Dapat ko na lang bang gawin ang likas na dumarating sa akin? Iyan ba ang gusto ng Diyos na gawin ko?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Agosto 2025


Tuwirang Sagot

Dapat ko na lang bang gawin ang likas na dumarating sa akin? Iyan ba ang gusto ng Diyos na gawin ko?

nagpupungos at nagpuputol ng mga sanga

Ang ilang pangunahing katotohanan ay tumutulong na masagot ang tanong na ito.

Ang Diyos ang Ama ng iyong espiritu. Hindi ka Niya “nilikha” mula sa wala. Isinilang ka na may banal na katangian—ang potensyal na maging katulad Niya. Ang tao rin sa simula ay kasama ng Diyos. Ang katalinuhan, o ang liwanag ng katotohanan, ay hindi nilikha o ginawa, ni maaaring gawin” (Doktrina at mga Tipan 93:29). Bago ang buhay na ito, mayroon ka ring kalayaan, at gumawa ka ng mga pagpapasiya.

Ang iyong pisikal na katawan ay kaloob ng Diyos at kinakailangan upang maranasan ang buhay sa mundo at maging higit na katulad Niya. Dahil sa Pagkahulog, ang bawat tao ay nakararanas ng kahinaan, kabilang na ang ilang “likas” na salungat sa mga utos ng Diyos (tingnan sa Mosias 3:19). Pero dapat nating hangaring “pigilin ang lahat ng [silakbo ng ating] damdamin”(Alma 38:12), magpakumbaba, sikaping sundin ang Diyos, magsisi kapag hindi natin iyon ginawa, at humingi ng lakas at tulong sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala. Nakararanas tayo ng kahinaan sa buhay na ito upang tayo ay magpakumbaba at bumaling sa Diyos (tingnan sa Eter 12:27).

Sa buhay na ito, ang paggamit mo ng kalayaan ay mahalaga. Piliin ang Diyos at ang Kanyang mga paraan. Piliing maniwala. Piliin ang kagalakan.