Para sa Lakas ng mga Kabataan
Higit pa sa Kwento
Para sa Lakas ng mga Kabataan Agosto 2025


Higit Pa sa Nakikita

dalagita

Oy, Ali, p’wedeng pahiram—teka …

dalagitang nakahiga at mukhang malungkot

OK ka lang ba?

Ayos lang ako.

dalagitang naghahanap sa aparador

OK. Eh pwede ko bang mahiram ang sweatshirt mo para sa kamping namin ni Nina sa katapusan ng Linggo?

Sige.

Salamat!

dalagitang nakatanaw sa mga bituin

Salamat sa pag-imbita sa akin na magkamping, Nina! Ang ningning ng mga bituin dito.

Salamat at nakapunta ka! May alam ka bang mga konstelasyon?

dalagita na nakaturo sa konstelasyon

Alam ko ang Big Dipper, pero ‘yun lang. Ano naman ang alam mo?

Marami akong alam! Nakikita mo ba ang tatlong bituin na iyon na magkakalapit? At nakikita mo ba ‘yung iba na parang “X” ang hugis? Ang mga iyon ang bumubuo ng konstelasyon ng Orion.

dalagitang nakatingala sa langit

Wow! Wala akong ideya na bahagi sila ng mas malaking konstelasyon.

Halos bawat bituin na makikita mo nang walang teleskopyo ay bahagi ng isang mas malaking konstelasyon. Higit pa iyan sa nakikita mo!

dalagitang nag-iisip

Higit pa sa nakikita, talaga?

mga dalagitang nag-uusap

Ali, okay ka lang ba noong isang araw? Inisip ko baka hindi, pero sabi mo ayos ka lang.

Ang totoo, hindi ako okey noon. Hindi ko alam kung bakit ko sinabing ayos lang ako.

dalagitang nagsasalita

Sori. Dapat nakita ko na hindi ka talaga okey. Sinasabi sa akin ng kilos mo na may dinaramdam ka!

mga dalagitang nag-uusap

Kaya, ano ang nangyari?

mga dalagitang nag-uusap

Ah, nagsimula lahat iyan noong …