5 Katotohanan at 5 Tip para sa Mas Makabuluhang Panalangin
Alam ko na totoo ang Diyos, pero kung minsan iniisip ko kung naririnig Niya ako.
Larawang-guhit ni Jarom Vogel
Habang lumalaki, itinuro sa akin na maaari akong makipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, pero may mga pagkakataon na hindi ko naramdaman na napakaganda kong manalangin. Nahirapan akong kausapin Siya at pakinggan. Habang tumatanda ako, natuklasan ko ang limang katotohanan at limang tip na tumulong para maging mas makabuluhan ang aking mga panalangin at para maging mas malapit sa Diyos.
Mga Katotohanan
-
Ang Diyos ay personaheng espiritu na may katawang may laman at mga buto (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 130:22). Siya ay isang tunay na tao na kinakausap mo.
-
Sinasagot ng Diyos ang bawat panalangin natin sa panahon at paraan na pinakamainam para sa atin. “Naririnig ng Diyos ang bawat panalangin na inihahandog natin at tumutugon Siya sa bawat isa sa mga ito ayon sa landas na ibinalangkas Niya para sa ating pagiging perpekto.”
-
Maraming uri ng panalangin, at lahat ay mabuti. Ang panalangin ay maaaring pormal, di-pormal, puno ng pasasalamat o pagsamo, maikli o mahaba—malakas o tahimik—at marami pang iba.
-
Maaari tayong magdasal kahit anong oras at kahit saan.
-
Ang pagdarasal ay hindi tungkol sa pagkakamit ng gusto natin mula sa Diyos kundi pagtuklas (at pagtanggap) sa nais Niya para sa atin.
Mga Tip
-
Magsulat ng journal tungkol sa panalangin. Isulat ang mga tanong mo bago ka manalangin, at itala ang mga impresyong nakukuha mo pagkatapos (at kahit sa oras ng) iyong mga panalangin.
-
Ang pagluhod ay nakatutulong hanggang sa ang iyong “patuloy na pananalangin [ay magkaroon] ng kapangyarihan.”
-
Maglista ng mga taong maaari mong ipagdasal araw-araw.
-
Hilingin sa iba na ipagdasal ka at samahan ka sa pagdarasal.