Para sa Lakas ng mga Kabataan
Takot Ako Dati sa mga Babae
Para sa Lakas ng mga Kabataan Agosto 2025


Digital Lamang: Mga Tinig ng Kabataan

Takot Ako Dati sa mga Babae

Ilang taon na ang nakararaan, hindi ako nakipag-usap sa sinuman sa labas ng aking pamilya, lima o anim na malalapit na kaibigan, at siguro ilang kakilala ko. Wala ni isang babae sa mga kaibigan ko, at ang mga kaibigan ko ay katulad na katulad ko. Hindi ko kinakausap ang mga batang babae dahil takot ako sa kanila. Ayaw kong kausapin ang sinumang naiiba sa akin. Hindi ko alam kung paano makipag-usap kung hindi magkapareho ang aming mga interes.

Noong tag-init na iyon, nagpunta ako sa unang FSY conference ko. Sinikap kong huwag kausapin ang mga babae sa company ko sa unang dalawang araw dahil hindi ko alam kung paano. Pero kalaunan ay nagsimula silang makipag-usap sa akin at makipagkaibigan sa akin, at natanto ko na mabait sila.

Sa simula ng sumunod na taon ko sa paaralan, “pinilit” akong pumunta sa una kong sayawan sa paaralan. Tinanong ko ang isang batang babae na medyo nakausap ko bago ang klase kung puwede ko siyang makapareha. Halos hindi niya alam kung sino ako, pero sinabi niya na sasama siya sa akin. Dahil dito napilitan akong makipag-usap sa kanya. Talagang nasiyahan ako sa date ng grupo at naging mabuting kaibigan ko ang babaeng kasama ko.

Pagkatapos niyon, natanto ko na ang mga babae ay mga normal na tao rin. Lahat ng naiiba sa akin ay ibang tao lang na tulad ko. Lahat tayo ay mga anak ng Diyos, kaya bakit ko iiwasan ang isang tao dahil sa iba ang hitsura, personalidad, o interes niya?

Ngayon, ang ilan sa pinakamatatalik kong kaibigan ay mga babae, at marami sa kaibigan kong lalaki ang lubos na naiiba sa sinumang inakala kong pag-uukulan ko ng oras sa nagdaang dalawang taon.

Tandaan, lahat ay naiiba sa iyo, at magandang bagay iyan. Huwag lamang magtuon sa mga pagkakaibang iyon, kundi sikaping makipagkaibigan sa mga taong nakapaligid sa iyo.

binatilyo

Elder Spencer Evansa., edad 18, Utah, USA

Mahilig kumanta, makinig sa musika, at magpatawa sa iba.