Para sa Lakas ng mga Kabataan
Paano ko matatamasa ang mga pakinabang ng teknolohiya habang iniiwasan pa rin ang mga negatibong epekto nito?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Agosto 2025


Mga Tanong at mga Sagot

“Paano ko matatamasa ang mga pakinabang ng teknolohiya habang iniiwasan pa rin ang mga negatibong epekto nito?”

dalagita

“Gawin ang maliliit na bagay na nagpapalapit sa atin sa Diyos, tulad ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan, pagsasabi ng mga personal na panalangin, o pagtanggap ng sakramento. Anyayahan ang Espiritu na gabayan kayo.”

Ella C., 16, Alabama, USA

binatilyo

“Maglaan ng oras na malaman kung paano gumagana ang mga device mo at kung paano maaaring makaapekto ang mga ito sa iyong espirituwal na buhay. Isaisip ang oras na ginugugol mo sa iyong mga device at mga app na gamit mo. Magtakda ng malinaw na mga hangganan para sa kung paano mo gagamitin ang teknolohiya.”

Martin K., 25, Kananga, Democratic Republic of the Congo

binatilyo

“Ang mahalaga ay ang pagsunod sa Espiritu. May masasamang paraan ng paggamit ng teknolohiya, pero may magagandang paraan din para magamit ito. Isa sa mga paraan ng paggamit ko ng teknolohiya sa kabutihan ay sa tungkulin ko bilang deacons quorum president. Tinutulungan ko ang iba pang mga deacon sa pamamagitan ng text o tawag sa telepono.”

Hyrum M., 13, Georgia, USA

dalagita

“Kailangan nating samantalahin ang teknolohiya upang maipalaganap ang liwanag ng Tagapagligtas sa lahat. Ang ibig sabihin ng pagiging disipulo ni Cristo ay maging katulad Niya, kaya dapat tayong manampalataya at sundin ang landas ng liwanag.”

Julia B., , Pernambuco, Brazil

binatilyo

“Nagtakda ako ng mithiin at nagdarasal ako bago gamitin ang teknolohiya upang hindi mawala sa pokus. Nagagawa ko ang mahahalagang bagay habang gumagamit ng teknolohiya, kabilang na ang pagbabahagi ng ebanghelyo, nang hindi nalilihis ng landas.”

Elijah U., 20, Lagos, Nigeria