Para sa Lakas ng mga Kabataan
May mga bagay ba na hindi ko dapat ipagdasal?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2025


Tuwirang Sagot

May mga bagay ba na hindi ko dapat ipagdasal?

dalagitang nagdarasal

Sabi ni Pangulong Jeffrey R. Holland, Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Kung tayo ay ‘hihingi nang hindi lisya,’ walang limitasyon sa kung kailan, [kung] saan, [o] kung ano ang dapat nating [ipagdasal].” Kaya, ano ang ibig sabihin ng “humingi nang lisya”?

Binigyan tayo ni Santiago ng isang clue: “Kayo’y humihingi, at hindi tumatanggap, sapagkat humihingi kayo sa masamang dahilan, upang gugulin ninyo ito sa inyong mga kalayawan” (Santiago 4:3; idinagdag ang diin). Kaya wala itong gaanong kinalaman sa kung ano ang hinihiling natin at mas malaki ang kinalaman sa kung bakit. Kung puro makasarili ang ipinagdarasal natin, maaaring lisya ang hinihiling natin.

Maibabahagi natin ang ating damdamin sa ating Ama sa Langit, maging ang ating kabiguan at kalungkutan. Dapat nating hingin ang Kanyang tulong. Kapag nagkakamali tayo, dapat tayong magsisi. Dapat nating sikaping maging masunurin at tapat at hangaring masunod ang kalooban ng Panginoon sa halip na ang sa atin. Sa gayon kapag nagdarasal tayo, walang limitasyon sa dapat nating ipagdasal.

Maaari tayong magtanong ng mga bagay na nasagot na. At maaari tayong magiliw na gabayan ng Diyos sa mga sagot na naibigay na. Maaari din tayong magtanong ng mga bagay na hindi pa sinagot ng Diyos kahit kailan. At maaaring patuloy na hindi sumagot ang Diyos. Ang susi ay hangaring masunod ang Kanyang kalooban at magtiwala na mas marami Siyang alam kaysa sa atin.