Mga Tinig ng mga Kabataan
Ayaw Kong Biguin ang Kaibigan Ko
Larawang-guhit ni Katelyn Budge
Minsa’y kinailangan kong pumili kung dadalo ako sa aktibidad ng Simbahan o sa party ng isang kaibigan. Mahirap na desisyon iyon. Ayaw kong biguin ang kaibigan ko, pero nadama ko na mas mahalaga ang pagdalo sa aktibidad ng Simbahan. Ipinagdasal ko iyon, at nakadama ako ng kapayapaan tungkol sa pagpili sa aktibidad ng Simbahan.
Nalungkot ang kaibigan ko noong una, pero naunawaan niya ang desisyon ko nang ipaliwanag ko ang aking mga dahilan. Nakita ko sa aking karanasan na kapag inuna ko ang Diyos, lahat ng iba pa ay nalalagay sa lugar. Pinalakas din nito ang paniniwala ko na gagabayan ako ng Diyos kapag humingi ako ng tulong sa Kanya sa panalangin.
Ang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos ay naghatid sa akin ng napakalaking kapayapaan at kaligayahan. Maging sa mga panahon ng kagipitan, alam ko na laging nariyan ang Diyos para sa akin. At sa pagbabahagi ng aking mga karanasan, sana ay mahikayat ko ang iba na magtiwala sa Diyos at mamuhay ayon sa kanilang pananampalataya.
Immaculate N., edad 14, X, Uganda
Mahilig gumugol ng oras sa mga kaibigan, sa sayawan, at sa pagbisita sa mga tao.