Para sa Lakas ng mga Kabataan
Naaasiwa akong ibahagi ang aking mga paniniwala. Paano ko ito gagawing mas normal?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2025


Mga Tanong at mga Sagot

“Naaasiwa akong ibahagi ang aking mga paniniwala. Paano ko ito gagawing mas normal?”

dalagita

“Maaari akong maging halimbawa sa lahat ng oras sa pamamagitan ng pagsusuot ng Young Women medallion, paghimig ng mga himno sa paaralan, at pag-post ng mga talata sa banal na kasulatan at mga larawan ng templo. Dahil sa mga bagay na ito, nagiging mausisa ang mga kaibigan ko. Pagkatapos ay tatanungin nila ako tungkol doon, at magiging komportable akong ibahagi sa kanila ang aking mga paniniwala—labis itong nagpapasaya sa akin!”

Marjorie Y., 12, Fortaleza, Brazil

dalagita

“Kung minsa’y naaasiwa akong ibahagi ang mga paniniwala ko kapag nakikipag-usap ako sa iba. Gayunman, ipinapaalala sa akin ng 1 Corinto 2:13 na ibinabahagi natin ang ating patotoo sa patnubay ng Espiritu Santo. Sa pag-anyaya sa Espiritu, natural nating maibabahagi sa ibang tao ang ating mga paniniwala at ang mga bagay na nasa puso natin.”

Roshemin B., 18, Bauang, Philippines

binatilyo

“Nahihirapan akong ibahagi ang aking paniniwala dahil sa takot na ayawan o hindi nila ako pansinin. Kapag may mga nagtatanong, sinisikap kong maging masaya, mahalin ang aking patotoo, at magtiwala kay Jesucristo. Itinuro sa akin ng nanay ko na kung sinisikap kong tularan si Cristo, kahit wala akong gaanong masabi, makikita ng iba ang pinaniniwalaan ko sa aking pamumuhay.”

Eddy A., 19, Villa Nueva, Guatemala

binatilyo

“Mas madali kong naikukuwento ang aking mga paniniwala kapag tinatanong ako ng mga tao sa paligid ko tungkol sa sinasabi ko at ginagawa ko. Halimbawa, tinatanong nila ako kung bakit hindi ako nagmumura o bakit hindi ako naglalaro tuwing Linggo o bakit ako pumipikit at yumuyuko bago kumain sa cafeteria.”

Tomas H., 13, Cholet, France

dalagita

“Ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay maaaring maging kasingsimple ng pagpapakita ng pagmamahal na tulad ni Cristo sa mga tao sa paligid mo—pagbabahagi ng isang talata sa banal na kasulatan sa isang kaibigang may pinagdaraanan o kasama ang isang tao. Maging mabuting halimbawa ka lang at tularan mo ang halimbawa ni Jesus at magiging mas komportable kang ibahagi ang ebanghelyo araw-araw.”

Mya S., 17, Texas, USA