2025
Tinalo ng Panalangin ang Panunudyo
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2025


Mga Tinig ng mga Kabataan

Tinalo ng Panalangin ang Panunudyo

mga kabataan sa isang pasilyo ng paaralan

Larawang-guhit ni Katelyn Budge

Marami akong mga kaeskuwela na nagkukunwaring mga kaibigan sila. Sa mga pasilyo, sasabihin nila, “Kumusta, buddy?” At saka sila nagtatawanan at nagbubulungan tungkol sa akin. Pinagtatawanan ng ibang tao ang hitsura ko. Nakaka-stress talaga at naging mahiyain ako dahil dito.

Dati hindi ako madalas magdasal. Pero lalo na nang simulan akong tudyuin sa eskuwela, nagsimula akong mas lalong magdasal. Sa simula, hindi ko tiyak kung ano ang sasabihin. Pero sa paglipas ng panahon, naging komportable akong makipag-usap sa Ama sa Langit dahil nakabuo na ako ng relasyon sa Kanya.

Ngayon kung may nangyayari sa eskuwela, tahimik na lang akong nagdarasal. Alam ko na kasama ko si Jesucristo, at Siya ang pinakamatalik kong Kaibigan. Natanto ko sa pagdarasal at pag-alaala kay Cristo na hindi mahalaga ang mga bagay na sinasabi ng ibang tao. Ang mahalaga ay kung ano ang iniisip ng Ama sa Langit at ni Jesucristo tungkol sa akin.

Joshua G., edad 14, Michigan, USA

Mahilig tumugtog ng biyolin.