Paggamit ng Gabay
Access sa Walang-Katapusang Pagmamahal
Kapag pinili ninyong mahalin muna ang Diyos, malalaman ninyo ang pagmamahal Niya sa inyo at sa lahat ng tao.
Mga larawang-guhit ni Christy Schneider
Isang bagay ang tiyak—mahal kayo ng Diyos. Iniisip Niya kayo at naghahanap Siya ng mga paraan para matulungan kayo araw-araw! Ang patnubay ng Diyos kung minsan ay dumarating sa pamamagitan ng mga kautusan. At ano ang dalawang pinakadakilang kautusan? Mahalin ang Diyos at mahalin ang inyong kapwa (tingnan sa Mateo 22:37–39).
Mahalin ang Diyos
Ang Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili ay nangangako na “ang inyong kaugnayan sa Diyos ay lalalim kapag ipinakita ninyo ang inyong pagmamahal sa pagsunod sa Kanyang mga utos at pagtupad sa inyong mga tipan sa Kanya” ([2022], 12). Maaari kayong:
-
Makipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.
-
Matuto tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan.
-
Magnilay kung ano ang Kanyang layunin para sa inyo at humingi ng patriarchal blessing.
Ang paggawa ng mga bagay na katulad nito ay tutulong sa inyo na malaman kung paano mahalin ang Diyos at malaman ang Kanyang walang-katapusang pagmamahal sa inyo.
Kung nahihirapan kayong madama ang pagmamahal ng Diyos, mapanatag sa kaalaman na walang “makapaghihiwalay sa [inyo] sa pag-ibig ng Diyos” (Roma 8:38–39). Walang makapipigil sa Diyos na mahalin kayo. Paniwalaan ito! Maaari kayong humingi palagi ng tulong sa Diyos na malaman ang Kanyang pagmamahal.
Ibigin ang Inyong Kapwa
Mahal ng Diyos ang lahat ng tao! Maaari nating mahalin ang iba sa pamamagitan ng:
-
Pagdarasal para sa kanila.
-
Mapagmahal na pakikinig sa mga taong nahihirapan sa kalusugan ng isip at iba pang mga isyu.
-
Pakikipagkaibigan sa mga taong mukhang kinakabahan o nag-iisa.
Ang gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan ay nangangako na “ang inyong kaugnayan sa iba ay lalalim kapag ipinakita ninyo ang inyong pagmamahal sa paglilingkod na katulad ng paglilingkod ni Cristo. Magagalak kayo kapag ginagawa ninyong mas mapagmahal na lugar ang mundo” (12).
Ang pagmamahal sa Diyos at sa inyong kapwa ay tutulong sa inyo na malaman ang walang-katapusang pagmamahal ng Diyos sa inyo at ma-access ang Kanyang walang-katapusang pagmamahal sa iba!
Paano ninyo mamahalin ang Diyos at ang inyong kapwa?