Digital Only: Mga Boses ng Kabataan
Paano Ako Tinulungan ni Cristo sa Pagiging Maselan Ko
Nahirapan ako nang husto dati sa pagiging maselan ko, na parang Obsessive-Compulsive Disorder sa relihiyon. Nahirapan ako nang husto sa talatang nag-uutos sa atin na maging perpekto. Hindi ko maintindihan kung paano iyon magiging posible.
Sa loob ng ilang panahon ay parang pabigat ang responsibilidad kong magsimba at magbasa ng mga banal na kasulatan. At ang paggawa ng mga bagay na iyon ay hindi humantong sa mabubuting gawi kundi sa pagiging obsessive compulsive. Pero patuloy pa rin ako sa mga bagay na iyon dahil sa huli, alam kong mabuti ang mga ito at ang mga ito ang dapat kong gawin.
Kalaunan, natutuhan kong huwag isipin ang pagbabasa ng banal na kasulatan bilang isang gawi kundi para magtuon lamang sa mga salita ng mga banal na kasulatan. Hindi ako kailanman tumigil sa pagbabasa ng mga ito, pero ito ay hindi na sapilitan para sa akin kundi isang bagay na gusto kong gawin upang madama ang mga salita ng Diyos.
Natanto ko na si Jesucristo ang pumupuno sa lahat ng kakulangan natin. Ang pinakalayunin ay mamuhay na kasama ang Ama sa Langit at madama ang lubos na kagalakan na Siya lamang ang makapagbibigay. Kapag ibinigay mo kay Cristo ang lahat ng mayroon ka, ibinibigay mo sa Kanya ang iyong buong puso nang walang alinlangan. Pagkatapos ay nagagawa Niyang ibigay sa iyo ang lahat sa espirituwal na paraan. Natutuhan kong ibigay ang puso ko kay Cristo, at sumunod rito ang iba pang mga bagay na may kinalaman sa pagiging disipulo.
Jacob C., Oregon, USA
Mahilig sa mga gawain sa labas ng bahay, lalo na ang boating, tubing, at wakeboarding.