Pagtuturo at Pagkatuto
Paggamit ng Banal na Kasulatan ng Pagpapanumbalik upang Maunawaan ang Biblia


“Paggamit ng Banal na Kasulatan ng Pagpapanumbalik upang Maunawaan ang Biblia,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)

Paggamit ng Banal na Kasulatan ng Pagpapanumbalik upang Maunawaan ang Biblia

Ipaliwanag

Maaari mong ibahagi kung paano nakita ni Nephi sa pangitain na maraming bahagi na “malinaw at pinakamahalaga” ang aalisin sa Biblia (1 Nephi 13:26). Nakita rin niya ang karagdagang mga aklat ng banal na kasulatan na “[lalabas] sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kordero,” upang “[magpatibay] sa katotohanan ng [Biblia]” at ipanumbalik ang malilinaw at mahahalagang katotohanan na inalis (1 Nephi 13:39–40). Ang mga banal na kasulatan ng Pagpapanumbalik ay tumutukoy sa Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, Mahalagang Perlas, at Pagsasalin ni Joseph Smith. Maaari mo ring ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson:

Pangulong Russell M. Nelson

Hindi nakikipagpaligsahan sa Biblia ang mga banal na kasulatan ng Panunumbalik; sinusuportahan nito ang Biblia. … [Ang mga banal na kasulatan ng Pagpapanumbalik] ay binibigyang-diin ang mga doktrina sa Biblia. … Sa mga saksing ito sa banal na kasulatan, hindi lamang muling mapapatunayan, kundi liliwanagin, ang mga doktrina ng Biblia. (Russell M. Nelson, “Mga Saksi sa mga Banal na Kasulatan,” Liahona, Nob. 2007, 43, 44)

Maaari mong ibahagi ang mga sumusunod na ideya at resources upang matulungan ang mga estudyante na gamitin ang mga banal na kasulatan ng Pagpapanumbalik upang maunawaan ang Biblia. Maaari mong idispley ang listahang ito o ibigay ito bilang handout:

  • Kung gumagamit ng edisyon ng Biblia na gawa ng Simbahan, maghanap sa mga footnote para sa mga reperensya sa mga scripture passage ng Pagpapanumbalik at ang Pagsasalin ni Joseph Smith.

  • Gamitin ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia, na matatagpuan sa Mga Tulong sa Pag-aaral sa Gospel Library.

  • Hanapin ang mga paksang binanggit sa mga passage ng Biblia sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, o sa indeks ng triple combination. Pag-aralan ang mga scripture passage ng Pagpapanumbalik na nabanggit sa mga source na ito.

Ipakita

Maikling ipakita kung paano gamitin ang ilan sa resources sa itaas para mahanap at magamit ang banal na kasulatan ng Pagpapanumbalik upang maunawaan ang isang passage sa Biblia. Maaari mong gamitin ang sumusunod na halimbawa o ang sarili mong halimbawa.

Passage sa Biblia

Resources

Paano nagbibigay ng karagdagang kahulugan ang mga banal na kasulatan ng Pagpapanumbalik

Passage sa Biblia

Maikling binanggit sa Genesis 14:18–20 ang tungkol kay Melquisedec.

Resources

Tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 14:25–40 sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia na matatagpuan sa Mga Tulong sa Pag-aaral.

Ang paghahanap ng “Melquisedec” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at indeks sa triple combination ay nagtuturo sa mga mambabasa sa iba’t ibang reperensya, kabilang ang dalawang scripture passage na ito: Alma 13:14–19 at Doktrina at mga Tipan 84:14.

Paano nagbibigay ng karagdagang kahulugan ang mga banal na kasulatan ng Pagpapanumbalik

Nalaman natin na si Melquisedec ay isang makapangyarihang propeta at hari na nagtatag ng kapayapaan at kabutihan sa kanyang mga tao. Siya ang nag-orden kay Abraham sa pagkasaserdote at ipinahihiwatig si Jesucristo at ang Kanyang banal na misyon.

Magpraktis

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang isang passage mula sa mga banal na kasulatan na babasahin para sa linggong ito na makatutulong ang mga banal na kasulatan ng Pagpapanumbalik para linawin ito. O maaari kang pumili mula sa mga halimbawang ibinigay sa ibaba. Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang resources at mga ideya na nakatala sa bahaging “Ipaliwanag” habang nagpapraktis sila. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang sumusunod sa maliliit na grupo o sa klase: (1) isang scripture passage ng Pagpapanumbalik na natuklasan nila at (2) kaalaman at karagdagang kaunawaan na ibinibigay nito.

Mga karagdagang passage para sa pagpapraktis:

  • Genesis 24:1–4. Maaaring hanapin ng mga estudyante ang “Kasal, Pagpapakasal” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan. Pagkatapos ay maaaring makahanap ang mga estudyante ng isang scripture passage ng Pagpapanumbalik sa ilalim ng heading na “Bago at Walang Hanggang Tipan ng Kasal” na naglilinaw sa kahalagahan ng walang hanggang kasal sa plano ng Diyos.

  • Isaias 11:1–5, 10. Maaaring basahin ng mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 113:1–6 para matulungan sila na maunawaan ang passage na ito.

  • Mateo 26:36–39. Maaaring hanapin ng mga estudyante ang entry na “Bayad-sala, Pagbabayad-sala” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan upang makahanap ng mga scripture passage ng Pagpapanumbalik na nagdaragdag ng kalinawan sa nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas.

  • Roma 4:16. Maaaring saliksikin ng mga estudyante ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia, na matatagpuan sa Mga Tulong sa Pag-aaral sa Gospel Library at sa ChurchofJesusChrist.org, para makahanap ng makatutulong na paglilinaw sa passage na ito.

Mag-anyaya at Mag-Follow Up

Hikayatin ang mga estudyante na pag-ibayuhin ang kanilang personal na pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng banal na kasulatan ng Pagpapanumbalik upang mas maunawaan ang Biblia. Hikayatin sila na pumasok sa klase sa susunod na handang ibahagi ang natutuhan nila. Tandaan na mag-follow up at bigyan ng oras ang mga estudyante na ibahagi ang natuklasan nila sa susunod na pagkikita ninyo. Maaari mong talakayin sa kanila kung paano nakaimpluwensya sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan ang paggamit ng kasanayang ito.