“Paggamit ng mga Turo ng mga Lider ng Simbahan upang Maunawaan ang mga Banal na Kasulatan,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)
Paggamit ng mga Turo ng mga Lider ng Simbahan upang Maunawaan ang mga Banal na Kasulatan
Ipaliwanag
Ipaliwanag na ang mga propeta ng Panginoon ay may partikular na responsibilidad na linawin ang mga banal na kasulatan at doktrina (tingnan sa 1 Nephi 22:1–2; Doktrina at mga Tipan 24:5). Tinutulungan din tayo ng mga propeta at iba pang mga lider ng Simbahan na “[mai]ugnay” at magamit ang mga banal na kasulatan sa ating buhay (1 Nephi 19:23).
Ang sumusunod na resources ay makatutulong sa atin na makahanap ng mga turo mula sa mga lider ng Simbahan na may kaugnayan sa partikular na mga scripture passage:
-
Scripture Citation Index—Ito ay isang online tool na matatagpuan sa scriptures.byu.edu. Mayroon ding mobile app version para sa Android at iOS devices. Piliin ang aklat ng banal na kasulatan, ang kabanata o bahagi, at pagkatapos ay ang talata.
-
Gospel Library (mobile version)—Gamitin ang search function para sa paghahanap ayon sa mga scripture reference o keyword. Maaari mo ring i-highlight ang isang parirala sa isang talata ng banal na kasulatan. Kapag lumitaw ang toolbar, i-tap ang feature na Hanapin. Para mapaikli ang paghahanap, maaari mong gamitin ang drop-down na “Mga Koleksyon” at piliin ang alinman sa Pangkalahatang Kumperensya o Mga Magasin. Pagkatapos ay tingnan ang mga resulta ng mga turo na may kaugnayan sa scripture passage na iyon.
-
Gospel Library (web version)—Gamitin ang search function saanman sa ChurchofJesusChrist.org para maghanap ayon sa scripture reference o keyword. Pagkatapos ay gamitin ang Filter tool
para mapabilis ang iyong paghahanap sa “Pangkalahatang Kumperensya” o iba pang koleksyon.
Ipaliwanag na kapag ginamit ang Scripture Citation Index o paghahanap sa Gospel Library, makatutulong na basahin ang mga talata bago at pagkatapos ng mismong teksto na kasama sa mga resulta ng paghahanap. Ang pag-aaral ng maraming pahayag ng mga lider ng Simbahan tungkol sa isang partikular na passage ay maaari ding magbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa kahulugan nito. Maaaring makatulong sa iyo na higit na magtuon sa mga turo kamakailan ng mga lider ng Simbahan.
Ipakita
Pumili ng isang scripture passage na madalas banggitin at gamitin ng mga lider ng Simbahan sa kanilang mga turo. Ang isang halimbawa ay ang Moises 7:18. Gamit ang mga tagubiling ibinigay sa itaas, ipakita kung paano gamitin ang Scripture Citation Index at ang search function sa Gospel Library para mahanap ang mga turo mula sa mga lider ng Simbahan tungkol sa passage na ito. Magbahagi ng isang pahayag na nagpapaliwanag o tumutulong na linawin ang kahulugan ng talata. Halimbawa, maaaring kabilang sa iyong paghahanap ang sumusunod na turo mula kay Elder D. Todd Christofferson, na nagpapaliwanag kung paano tayo magiging “isang puso at isang isipan” (Moises 7:18):
Magkakaisa ang ating puso’t isipan kapag ginawa nating sentro ng ating buhay ang Tagapagligtas at sinunod natin ang mga hinirang Niyang mamuno sa atin. (D. Todd Christofferson, “Sa Sion ay Magsitungo,” Liahona, Nob. 2008, 38)
Magpraktis
Pumili ng isang passage mula sa mga banal na kasulatan na pag-aaralan para sa linggong ito, o maaari mong gamitin ang isa sa mga scripture passage na nakalista sa ibaba. Maaari ninyong basahin ang scripture passage bilang klase. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na gamitin ang resources na nakasaad sa bahaging “Ipaliwanag” upang hanapin ang mga turo ng mga propeta at iba pang mga lider ng Simbahan na may kaugnayan sa scripture passage na iyon. Sabihin sa mga estudyante na magbahagi sa isang kapartner, sa maliliit na grupo, o sa klase ng (1) turo o pahayag na nahanap nila at (2) kung paano ito nakatutulong na linawin o palalimin ang kanilang pang-unawa sa scripture passage.
Mga karagdagang scripture passage para mapraktis ang kasanayang ito:
-
Job 19:25–26
-
Mateo 11:28–30
Mag-anyaya at Mag-Follow Up
Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang mga turo ng mga lider ng Simbahan para mapagbuti ang kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Sabihin sa mga estudyante na dalhin sa susunod na klase ang isang turo mula sa isang lider ng Simbahan na tumutulong sa kanila na mas maunawaan ang isang scripture passage. Tandaan na mag-follow up at bigyan ng oras ang mga estudyante na ibahagi ang nahanap nila at kung paano nila nahanap ito sa susunod na pagkikita ninyo. Maaari kang mag-follow-up sa buong linggo.