“Pambungad sa Mga Training sa Kasanayan,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)
Pambungad sa Mga Training sa Kasanayan
Ang mga kasanayan sa resource na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na pag-aralan nang mabuti ang salita ng Diyos, maunawaan ang mga banal na kasulatan, matuto sa pamamagitan ng Espiritu, maipamuhay ang mga turo ng ebanghelyo, at maibahagi ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa iba sa mga paraang tulad ng kay Cristo. Ang bawat training sa kasanayan ay nilayong magawa sa pagitan ng 10 at 20 minuto.
Ang mga training sa kasanayan ay gumagamit ng sumusunod na huwaran:
-
Ipaliwanag. Tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang kasanayang papraktisin nila. Ito ay magagawa nang mga 2–5 minuto.
-
Ipakita. Ipakita ang kasanayan. Ito ay magagawa nang mga 3–5 minuto.
-
Magpraktis. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapraktis ang kasanayan. Tiyakin na nakatuon sa pagpapraktis ang kahit kalahati ng oras (5–10 minuto) ng training.
-
Mag-anyaya at Mag-Follow Up. Hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin ang kasanayan sa kanilang personal na pag-aaral. I-follow-up ang kanilang mga karanasan at alamin kung makatutulong ang karagdagang pagpapraktis.
Ang mga training sa kasanayan ay nilayong tulungan ang seminary, institute, at mga guro at estudyante ng Simbahan na maging mas self-reliant o umasa sa sariling kakayahan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ang mga training ay magagamit sa mga kurso ng mga banal na kasulatan at sa iba pang mga kurso o workshop na nakatuon sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Magagamit din ang mga ito ng mga guro sa simbahan o ng mga magulang sa tahanan. Masusuri ng mga guro ang mga pangangailangan ng mga tinuturuan nila at makakapili kasama ang mga tinuturuan nila kung aling mga pagsasanay ang pagtutuunan at kailan.