“Pagtuon kay Jesucristo sa mga Banal na Kasulatan,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)
Pagtuon kay Jesucristo sa mga Banal na Kasulatan
Ipaliwanag
Isiping ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Ang pangunahing layunin ng lahat ng banal na kasulatan ay puspusin ang ating mga kaluluwa ng pananampalataya sa Diyos Ama at sa Kanyang Anak na si Jesucristo. (D. Todd Christofferson, “Ang Biyaya ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Mayo 2010, 34)
Ipaliwanag na kapag mas nakatuon tayo kay Jesucristo sa mga banal na kasulatan, mas marami tayong matututuhan tungkol sa Kanya. Habang natututo tayo tungkol sa Kanya, lumalago ang ating pananampalataya sa Kanya. Kapag pinag-aaralan natin ang mga banal na kasulatan, maaari tayong magtuon sa Kanyang mga pangalan, titulo, at katangian. Makakakita rin tayo ng mga halimbawa at simbolo ng Tagapagligtas sa mga tao, ordenansa, bagay, at pangyayari na pinag-aaralan natin. Itinuturo sa mga banal na kasulatan na “lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos … ay pagsasagisag sa [Kanya]” (2 Nephi 11:4) at “nagpapatotoo sa [Kanya]” (Moises 6:63).
Maaaring bigyan ang bawat estudyante ng sumusunod na kopya ng handout. Ipaliwanag na ang pagtatanong sa handout habang pinag-aaralan natin ang mga banal na kasulatan ay makatutulong sa atin na mas makilala si Jesucristo. Maaari ninyong sama-samang basahin ang mga tanong bilang klase.
Pagtuon kay Jesucristo sa mga Banal na Kasulatan
Mga Pangalan at Titulo: Ano ang ibig sabihin ng pangalan o titulo na ito? (Saliksikin ang mga tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan tulad ng mga footnote, Bible Dictionary, o iba pang resources sa ChurchofJesusChrist.org.) Ano ang itinuturo sa akin ng pangalan o titulo na ito tungkol sa pangangailangan ko na makipag-ugnayan kay Jesucristo?
Mga Simbolo: Ano ang itinuturo sa akin ng tao, ordenansa, bagay, o pangyayaring ito tungkol kay Jesucristo, sa Kanyang buhay, at sa Kanyang misyon?
Pagkatao at mga Katangian: Ano ang matututuhan ko tungkol sa pagkatao at mga katangian ni Jesucristo mula sa passage na ito? Paano ako matutulungan ng passage na ito na mas lubos na magtiwala sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga pangako?
Ipakita
Gamitin ang mga sumusunod na halimbawa o ang ilan sa sarili mong halimbawa para maipakita ang kasanayang ito.
|
Ano ang hahanapin |
Halimbawa ng banal na kasulatan |
Ano ang matututuhan ko tungkol kay Jesucristo at sa aking kaugnayan sa Kanya? |
|---|---|---|
Ano ang hahanapin Mga Pangalan at titulo | Halimbawa ng banal na kasulatan Lumikha (2 Nephi 2:14; Isaias 40:28; Juan 1:3) | Ano ang matututuhan ko tungkol kay Jesucristo at sa aking kaugnayan sa Kanya? Bilang ang Lumikha, matutulungan ako ni Jesucristo na lumikha ng isang bagay na maganda at makabuluhan sa aking buhay. |
Ano ang hahanapin Mga Simbolo | Halimbawa ng banal na kasulatan Ahas na inilagay sa tikin (Mga Bilang 21:6–9; Juan 3:14–15; Helaman 8:14–15) | Ano ang matututuhan ko tungkol kay Jesucristo at sa aking kaugnayan sa Kanya? Tulad ng mga Israelita na napagaling mula sa kagat ng ahas sa pagtingin sa ahas na tanso, ang mga umaasa kay Jesucristo ay gagaling o lilinisin mula sa kasalanan. |
Ano ang hahanapin Pagkatao at mga katangian | Halimbawa ng banal na kasulatan “Ama, masusunod ang inyong kalooban, at ang kaluwalhatian ay mapasainyo magpasawalang hanggan” (Moises 4:2; tingnan din sa Lucas 22:41–44; 3 Nephi 11:11). | Ano ang matututuhan ko tungkol kay Jesucristo at sa aking kaugnayan sa Kanya? Si Jesucristo ay mapagpakumbaba at masunurin sa kalooban ng Ama sa Langit. Lagi Niyang ibinibigay nang walang pag-iimbot ang kaluwalhatian at karangalan sa Ama. |
Magpraktis
Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang isang passage mula sa banal na kasulatan na babasahin para sa linggong ito na naglalaman ng pangalan, titulo, o simbolo ng Tagapagligtas o naghahayag ng mga aspekto ng Kanyang pagkatao o mga katangian. Sabihin sa kanila na pag-isipan ang mga tanong sa kanilang handout habang nag-aaral sila. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila at ang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo at sa kanilang kaugnayan sa Kanya.
Mga karagdagang passage na pag-aaralan at pagninilayan:
-
Mga Pangalan at Titulo: Isaias 9:6; Juan 10:11; Mosias 3:8; Doktrina at mga Tipan 45:3–5; Moises 7:53
-
Mga Simbolo: Juan 6:32–38, 51–58; 1 Nephi 8:10–12; 11:21–22; Doktrina at mga Tipan 29:1–2; Moises 5:5–8
-
Pagkatao at mga Katangian: Genesis 39:20–23; Juan 13:1, 4–5; Mosias 24:13–15; Doktrina at mga Tipan 18:10–13
Mag-anyaya at Mag-Follow Up
Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang kasanayang ito na pagtutuon kay Jesucristo sa mga banal na kasulatan habang ginagawa nila ang kanilang personal na pag-aaral sa buong semester. Anyayahan silang pumasok sa susunod na klase na handang ibahagi ang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo at sa kaugnayan nila sa Kanya mula sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Tandaan na mag-follow up, at bigyan ng oras ang mga estudyante na maibahagi ang natuklasan nila sa susunod na klase ninyo. Maaari mo ring itanong kung paano nakaimpluwensya sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan ang paggamit ng kasanayang ito.