Pagtuturo at Pagkatuto
Pag-unawa sa Konteksto ng mga Banal na Kasulatan


“Pag-unawa sa Konteksto ng mga Banal na Kasulatan,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)

Pag-unawa sa Konteksto ng mga Banal na Kasulatan

Ipaliwanag

Ipaliwanag na ang konteksto ay tumutulong sa atin na mas maunawaan ang mga banal na kasulatan. Ang pagbabasa ng mga talata bago at pagkatapos ng isang partikular na scripture passage ay nagbibigay ng pangunahing konteksto. Ang mas malawak na konteksto ay ang mga sitwasyon at pinagmulang impormasyon para sa isang passage, na maaaring kabilangan ng kultura, kasaysayan, o heograpiko. Ang pag-unawa sa konteksto ay tumutulong sa atin na (1) mahiwatigan ang layunin ng may-akda; (2) pag-isipan kung ano ang naghikayat sa isang turo, pangyayari, o salaysay; at (3) maiwasan ang paggawa ng maling mga interpretasyon.

Rebyuhin sa mga estudyante ang sumusunod na handout bilang paghahanda para maipakita at mapraktis ang mga aktibidad:

Pag-unawa sa Konteksto ng mga Banal na Kasulatan

Ang ibig sabihin ng alamin ang konteksto ng mga banal na kasulatan ay pag-aralan natin ang isang partikular na passage kaugnay ng mga sitwasyon, pangyayari, at turo na nakapalibot dito. Isipin kung paano makatutulong ang mga sumusunod na antas ng konteksto:

  1. Konteksto sa mga talata [Immediate context]. Basahin ang nakapalibot na mga talata o ang mga talata na makikita bago at pagkatapos ng isang partikular na scripture passage para malaman ang tagpo. Anong pangyayari o sitwasyon ang nagbibigay ng mahalagang impormasyon? Ang itinanong ba sa mga talatang ito ay nagbunsod ng sagot? Para sa maraming passage makatutulong na malaman kung sino ang nakikipag-usap kanino at kung bakit.

  2. Mas malawak na konteksto. Ang pag-aaral tungkol sa kasaysayan, kultura, at heograpiya ay makatutulong sa atin na mas maunawaan ang isang partikular na passage sa pamamagitan ng pag-alam kung paano ito naaangkop sa kabanata o aklat. Maaari din itong makatulong sa atin na makita kung paano naaangkop ang passage sa konteksto ng ebanghelyo.

Makahahanap ang mga mambabasa ng tulong para maunawaan ang konteksto ng mga scripture passage sa sumusunod na resources (makukuha sa Gospel Library): Mga Tulong sa Pag-aaral, Kasaysayan ng Simbahan, Mga Paksa at Mga Tanong, mga manwal ng titser sa institute o seminary, at Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan.

Ipakita

Ang sumusunod na mga halimbawa ay nagpapakita kung paano nagbibigay ng kabatiran ang konteksto sa mga talata at ang mas malawak na konteksto sa isang partikular na scripture passage. Maaari mong idispley ang talahanayan sa halimbawa 1 o ibigay ito bilang handout. Matapos basahin ang passage, rebyuhin ang bahaging “Konteksto sa mga Talata” at pagkatapos ay ang bahaging “Mas Malawak na Konteksto.” Maaari mong gamitin ang talahanayan sa halimbawa 2 sa ibang araw para rebyuhin ang kasanayang ito.

Halimbawa 1

Scripture Passage

Konteksto sa mga Talata

Mas Malawak na Konteksto

Scripture Passage

Basahin ang Genesis 25:33.

Konteksto sa mga Talata

Ang konteksto sa mga talata ay matatagpuan sa pagbabasa ng nakapalibot na mga talata. Sinasabi sa atin sa Genesis 25:21–34 na sina Esau at Jacob ay kambal. Si Esau ang panganay at samakatwid, ang anak na lalaki ng pagkapanganay. Bago sila isinilang, inihayag ng Panginoon kay Rebecca na tatanggapin ng kanyang bunsong anak na si Jacob ang pagkapanganay (tingnan sa Genesis 25:23). Si Esau ay kinalugdan ng kanyang ama, at si Jacob ay kinalugdan ng kanyang ina. Isang araw, dahil gutom na gutom, humingi si Esau kay Jacob ng sopas (mapulang nilaga). Pumayag si Jacob na bibigyan si Esau ng sopas kapalit ng pagkapanganay nito. Tinanggap ni Esau ang kasunduan, ipinapakita na hindi mahalaga ang kanyang pagkapanganay.

Mas Malawak na Konteksto

Isipin kung paano nakatutulong ang sumusunod na mga source sa mas malawak na konteksto ng talatang ito:

“Ipinagbili ni Esau ang kanyang pagkapanganay kay Jacob (Gen. 25:33), at dahil dito nawala sa kanya ang pamumuno sa lipi at pati na rin ang mga pagpapala ng tipan (Gen. 27:28–29, 36; Heb. 12:16–17)” (Bible Dictionary, “Esau”).

“Sa panahon ng mga naunang patriyarka, ang panganay na anak na lalaki ang tumatanggap ng pagkapanganay (Gen. 43:33) at sa gayon minamana ang pamumuno sa mag-anak sa pagkamatay ng ama. Kailangang maging karapat-dapat ang panganay upang makuha ang tungkuling ito (1 Cron. 5:1–2) at maaaring mawala ang kanyang pagkapanganay sa pamamagitan ng kasamaan” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Panganay,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org).

Maaari mo ring basahin ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagkapanganay,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org.

Mga Kabatiran

Ang konteksto para sa Genesis 25:33 ay tumutulong sa atin na makita na ang pagtanggap ng pagkapanganay ay isang malaking karangalan at responsibilidad. Sinasabi rin sa atin ng konteksto na hindi mataas ang pagpapahalaga ni Esau sa kanyang pagkapanganay. Ang mga kabatirang ito ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon kapag nalaman natin kalaunan ang tungkol sa mga tagubilin ni Rebecca kay Jacob kung paano matamo ang basbas ng pagkapanganay mula kay Isaac (tingnan sa Genesis 27:1–33).

Halimbawa 2

Scripture Passage

Konteksto sa mga Talata

Mas Malawak na Konteksto

Scripture Passage

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 121:1–3.

Konteksto sa mga Talata

Ang konteksto sa mga talata ay matatagpuan sa pagbabasa ng Doktrina at mga Tipan 121:4–8. Dito ay ibinuhos ni Joseph Smith ang kanyang saloobin sa Diyos tungkol sa pagdurusa niya at ng mga Banal. Narinig ni Joseph ang tinig ng Panginoon at sinabi sa kanya na ang kanyang pagdurusa ay “maikling sandali na lamang” at kung “ito ay [kanyang] pagtitiisang mabuti,” siya ay “magtatagumpay sa [kanyang] mga kaaway” (talata 7–8).

Mas Malawak na Konteksto

Ang section heading ng Doktrina at mga Tipan 121 ay nagbigay ng mas malawak na konteksto para sa talata 1–3: “Panalangin at mga propesiyang isinulat ni Joseph Smith, ang Propeta, [sa isang liham] sa Simbahan habang siya ay isang bilanggo sa piitan sa Liberty, Missouri, na may petsang Marso 20, 1839. Ang Propeta at ilang kasamahan ay nanatili nang ilang buwan sa piitan. Hindi sila natulungan ng kanilang mga kahilingan at pag-apela sa mga tagapangasiwang pinuno at sa hukuman.”

Inilarawan sa artikulong “Within the Walls of Liberty Jail” (tingnan lalo na ang talata 8–16) ang nakalulunos na mga kalagayan na kailangang tiisin ng mga bilanggo (tingnan sa Justin R. Bray, sa Revelations in Context [2016], 258–60).

Isiping tingnan ang larawan ng Piitan ng Liberty na matatagpuan sa Mga Larawan ng Kasaysayan ng Simbahan.

Mga Kabatiran

Kapag nauunawaan natin ang nakalulunos na kalagayan sa Piitan ng Liberty at ang pagdurusa ng mga Banal na itinaboy mula sa Missouri, ang pagsamo ni Joseph Smith ay nagbibigay ng dagdag na kahulugan at kapangyarihan. Nalaman natin na sa pinakamahihirap na sitwasyon ay makahihingi tayo ng tulong sa Diyos at makatatanggap ng kapanatagan at patnubay mula sa Kanya.

Magpraktis

Pumili ng isang passage mula sa scripture block na pinag-aaralan mo, o gamitin ang isa sa mga sumusunod: 1 Samuel 16:7; Marcos 2:16; Alma 39:5; Doktrina at mga Tipan 138:11. Pagkatapos ay bigyan ang mga estudyante ng handout na “Pag-unawa sa Konteksto ng mga Banal na Kasulatan,” at sabihin sa kanila na gamitin ito para matuklasan ang konteksto sa mga talata at ang mas malawak na konteksto para sa passage na pinili mo. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ang kasunod na chart.

Pag-unawa sa Konteksto

Scripture Passage

Konteksto sa mga Talata

Mas Malawak na Konteksto

Scripture Passage

Konteksto sa mga Talata

Mas Malawak na Konteksto

Mga Kabatiran

Mag-anyaya at Mag-Follow Up

Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang mga alituntunin ng pag-unawa sa konteksto ng mga banal na kasulatan sa kanilang personal na pag-aaral. Tandaan na mag-follow up at bigyan ng oras ang mga estudyante na maibahagi at gawin muli ang kasanayan kung kinakailangan. Maaari kang maghanap ng pagkakataon sa buong linggo na mag-follow up sa mga estudyante tungkol sa paggamit ng mga alituntuning ito sa kanilang pag-aaral.