“Paghahanap ng Kahulugan ng mga Salita at Parirala,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)
Paghahanap ng Kahulugan ng mga Salita at Parirala
Ipaliwanag
Maaari kang magdispley ng ilang salita o parirala mula sa mga scripture passage na maaaring mahirap maunawaan ng iyong mga estudyante. Ipaliwanag na ang paghahanap ng kahulugan ng mga salita at parirala ay makatutulong sa atin na mas maunawaan ang mga banal na kasulatan at ang mga katotohanang itinuturo sa atin ng mga ito.
Ipakita ang sumusunod na listahan ng resources na magagamit ng mga estudyante para mahanap ang kahulugan ng mga salita at parirala sa banal na kasulatan. Kung kinakailangan, ipakita sa mga estudyante kung paano maa-access ang resources na ito.
-
Mga diksiyunaryo
-
Define feature sa Gospel Library app
-
Mga Footnote
Ipakita
Maaari mong gamitin ang isa o mahigit pa sa sumusunod na resources o ang sarili mong resources para maipakita ang kasanayang ito.
Diksyunaryo o Define Feature sa Gospel Library App
Basahin ang Isaias 7:14, at hanapin ang salitang “Emmanuel.” Hanapin ang “Emmanuel” sa diksyunaryo o sa iyong telepono, at basahin ang kahulugan. Pagkatapos ay ipakita kung paano gamitin ang Define feature sa Gospel Library app sa pamamagitan ng pag-highlight sa salitang “Emmanuel” sa Isaias 7:14. Kapag lumitaw ang toolbar, i-tap ang Define icon para maghanap ng online dictionary.
Gabay sa mga Banal na Kasulatan
Ipakita sa mga estudyante kung paano hanapin ang “Emmanuel” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, na ang kahulugan ng salita ay “nasa amin ang Diyos.”
Ibahagi sa mga estudyante kung ano ang itinuturo ng kahulugan ng Emmanuel sa iyo tungkol kay Jesucristo.
Magpraktis
Pumili ng isang passage mula sa mga banal na kasulatan na babasahin para sa linggong ito, o pumili mula sa mga passage na nakalista sa ibaba. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang passage at magpraktis na maghanap ng kahulugan ng mga salita at parirala na maaaring hindi nila nauunawaan. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang mga sumusunod nang magkakapartner o sa maliliit na grupo:
-
Ang kahulugan na nahanap nila para sa isang salita o parirala at kung paano nila ito nahanap
-
Paano nakatulong sa kanila ang kahulugang ito para mas maunawaan ang scripture passage o ang katotohanang itinuturo nito
Mga karagdagang passage para sa pagpapraktis:
|
Salita: nagbagong-anyo | |
|
Mateo 16:24 |
Parirala: pasanin ang kanyang krus. Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong, ituro sa kanila ang Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 16:26. |
|
Parirala: makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan | |
|
Salita: hiwaga |
Mag-anyaya at Mag-Follow Up
Hikayatin ang mga estudyante na mag-ukol ng oras sa kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan na maghanap ng mga kahulugan ng mga salita at parirala na maaaring hindi nila nauunawaan. Anyayahan ang mga estudyante na dumating sa susunod na klase na handang ibahagi kung paano nakaimpluwensya ang paggamit ng kasanayang ito sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Bigyan sila ng oras na ibahagi ang mga kahulugan na nahanap nila para sa mga salita at parirala at kung paano nakatulong sa kanila ang pag-unawa sa mga kahulugang ito para mas maunawaan nila ang mga banal na kasulatan. Humanap ng mga pagkakataon na patuloy na magamit ang kasanayang ito sa klase.