Pagtuturo at Pagkatuto
Pagtukoy sa mga Katotohanan ng Ebanghelyo sa mga Banal na Kasulatan


“Pagtukoy sa mga Katotohanan ng Ebanghelyo sa mga Banal na Kasulatan,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan (2024)

Pagtukoy sa mga Katotohanan ng Ebanghelyo sa mga Banal na Kasulatan

Ipaliwanag

Ipaliwanag na ang mga banal na kasulatan ay repositoryo ng walang hanggang katotohanan. Tinatawag natin kung minsan ang mga walang-hanggang katotohanang ito na doktrina o mga alituntunin ng ebanghelyo. Ang doktrina at mga alituntunin ng Panginoon ay may kapangyarihang baguhin ang ating buhay (tingnan sa Alma 31:5).

Ang ilang katotohanan ay mas madaling matukoy dahil inihayag ang mga ito sa mga banal na kasulatan. Ang inihayag na mga katotohanang ito kung minsan ay pinangungunahan ng mga salita o parirala na nagpapahiwatig na isang katotohanan ang ituturo, tulad ng “sa gayon nakikita natin,” “alalahanin/tandaan,” “kaya nga,” “dahil dito,” o “masdan.”

Ang iba pang mga katotohanan ay hindi direktang inihayag kundi ipinahiwatig o inilarawan sa mga salaysay, pangyayari, at talinghaga sa mga banal na kasulatan. Matutukoy mo ang ipinahiwatig o inilarawang mga katotohanan sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong sarili ng mga sumusunod:

  • Ano ang mensahe o aral ng kuwentong ito? Bakit isinama ito ng manunulat?

  • Ano ang matututuhan ko mula sa mga tao sa kuwentong ito?

  • May nakikita ba akong sanhi-at-bunga sa salaysay na angkop sa mga tao ngayon?

Ipakita

Halimbawa 1: Inihayag na mga Katotohanan

Sama-samang basahin ang Helaman 5:9, at tukuyin ang katotohanang tulad ng sumusunod: Ang tanging paraan para maligtas tayo ay sa pamamagitan ng nagbabayad-salang dugo ni Jesucristo. Ipaliwanag din na ang salitang tandaan sa talatang ito ay nagpapahiwatig na ituturo ang isang katotohanan.

Halimbawa 2: Ipinahiwatig o Inilarawan na mga Katotohanan

Ibuod ang Mateo 20:1–15, at ibahagi ang mga sumusunod na katotohanan na maaaring matukoy sa talinghaga tungkol sa mga manggagawa sa ubasan: Lahat ng tao ay makatatanggap ng mga pagpapala ng buhay na walang hanggan sa anumang panahon na natanggap nila ang ebanghelyo. Ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay mabait, mapagbigay, at makatarungan sa lahat ng Kanilang mga anak. Dapat tayong maging masaya para sa tagumpay ng iba sa halip na mainggit.

Magpraktis

Sabihin sa mga estudyante na magpraktis na matukoy ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa isang scripture passage na pinag-aaralan ninyo sa klase. O maaari kang pumili mula sa mga scripture passage na nakalista sa ibaba. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang doktrina at mga alituntuning nahanap nila.

Mga karagdagang passage para sa pagpapraktis:

Mag-anyaya at Mag-Follow Up

Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang kasanayang ito na pagtukoy sa mga katotohanan ng ebanghelyo sa mga banal na kasulatan sa kanilang personal na pag-aaral. Sa susunod na ilang linggo, maaari mong simulan ang klase sa pag-anyaya sa mga estudyante na ibahagi ang mga katotohanang natukoy nila sa kanilang personal na pag-aaral.

Sa iyong patuloy na pag-follow-up at pagpraktis sa kasanayang ito, maaari mong ituro sa mga estudyante ang mga karagdagang kasanayan na maaaring makatulong sa kanila na matukoy ang mga katotohanan. Ang isang kasanayan ay hanapin ang mga katotohanan na natukoy ng makabagong mga propeta at apostol mula sa isang scripture passage.

Ang iba pang mga training sa kasanayan na kasama sa materyal na ito ay makatutulong din sa mga estudyante na matukoy nang mahusay ang mga katotohanan, tulad ng “Paghahanap ng mga Sanhi-at-Bunga sa mga Banal na Kasulatan” at “Pag-unawa sa Konteksto ng mga Banal na Kasulatan.”