2016
Bakit walang mga himalang nangyayari ngayon na katulad noong panahon ni Cristo?
July 2016


Bakit walang mga himalang nangyayari ngayon na katulad noong panahon ni Cristo?

Larawan
Jesus Christ

Ang mga himala ng Tagapagligtas ay “mga banal na gawa” at “bahagi ng banal na pagtuturo” (Bible Dictionary, “Miracles”). Ang pagpapagaling at iba pang mga himala ay nangyayari pa rin sa Simbahan ngayon, bagama’t ang mga iyon ay hindi laging kagila-gilalas at hindi laging binabanggit sa publiko dahil sagrado ang mga ito sa mga taong nakakaranas nito. Maaari kayong humanap ng mga himala sa inyong buhay o sa buhay ng inyong mga kapamilya o ninuno. Bagama’t maaari tayong maghangad ng himala, dapat nating tandaan na sumasagot ang Ama sa Langit sa Kanyang takdang panahon at sa Kanyang sariling paraan.

Ang mga himala ay mga bahagi ng ebanghelyo ni Jesucristo. Tanda ito na may pananampalataya sa mundo (tingnan sa Eter 12:12), at ang mga ito ay kaloob ng Espiritu (tingnan sa D at T 46:21).